368 total views
Tinutulan ng ibat-ibang grupo ang pagpapatupad ng ‘NO VACCINE NO RIDE POLICY’ ng Department of Transportation (DOTr) na magsisimula na sa lunes January 17, 2022.
Ayon sa opisyal na pahayag ng commuter group na “Move “One Coalition” sa halip na ipatupad ang polisiya ay mas dapat pag-tuunan ng pansin ng pamahalaan ang pagtitiyak na may sapat at maayos na daluyan ang hangin sa mga enclosed public utility vehicle.
Ito ay kasabay ng apela ng panunumbalik at muling pagpapahintulot ng pamahalaan sa mas marami pang mga uri ng pampublikong transportasyon na makapamasada.
Instead of such an unduly restrictive policy, the Coalition urges the government to take two steps: 1.Ensure proper ventilation in public transport and terminals, especially in enclosed areas, to prevent the airborne spread ng covid19”.pahayag ng grupo
Una naring ipinabatid ni Move as One Coalition Member Reycel Hyacenth Nacario Bendaña ang kahalagahan ng kanilang panawagan.
“Hindi seating capacity ang problema ngunit ang 1) kakulangan ng supply dahil sa pagbabawal nilang bumyahe ang mga PUV units at 2) kabagalan sa pagdisburse ng pondo na dapat sana sumusuporta sa mga PUV units para hindi malugi at tuluyang bumiyahe,” Ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bendaña.
Mariin ding tinutulan ng Kilusang Mayo Uno ang polisiya ng DOTr.
Pagbibigay diin ng grupo na ito ay dahil pahihirapan nito ang mga mamamayan higit na ang mga hindi pa bakunadong manggagawa kung saan 48% pa lamang sa kabuoang populasyon ng Pilipinas ang nakakapag-pabakuna.
“Dapat malakas na tutulan ang ‘no vax, no ride’ policy ng DOTr. 48% palang ang bakunado sa buong bansa, ibig sabihin higit 50 milyong Pilipino ang maaapektuhan ng polisiyang ito! Papaano bibili ng pagkain at makakakuha ng serbisyo? Dagdag pahirap ito sa taumbayan,” ayon sa opisyal na pahayag ni KMU Chairperson Bong Labog.
Apela pa ng KMU, ang pagpapalawig ng Vaccine Education ng pamahalaan kasama ang pagdaraos ng libreng Mass Testing.
Una ng ipinabatid ng Kaniyang Kabanalang Francisco ang kahalagahan ng bakuna at pagiging moral na obligasyon ng hakbang.
Habang ipinabatid na rin ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs Chairman Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang kahalagahan ng pagpapabakuna ng bawat manggagawa at pagiging ligtas ng mga COVID-19 vaccine na ginagamit ng pamahalaan.