372 total views
Nakikiisa ang simbahan ng Ozamis sa mga deboto lalo na sa mga Cebuano sa pagdiriwang ng Pista ng Santo Niño o Pit Señor ngayong January 16.
Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad na tubong Pardo, Cebu dapat lamang na ipagdiwang ang kapistahan ng batang Hesus na siyang pinagmumulan ng lakas ng bawat mananamplataya.
Nawa ayon kay Archbishop Jumoad na ang Niño Hesus ay mahing daan ng bawat isa sa kalakasan at pag-asa sa kabila ng mga suliranin lalo na ang pandemya at ang nagdaan na bagyong Odette na nanalasa sa rehiyon ng Visayas.
Giit ng obispo, ang himala ng Diyos ay nagahanap lalo na sa pagiging isa ng bawat tao na magmamalasamit sa kapwa at pagtulong sa nangangailangan.
“Ang Señor ang nagbigay ng paraan para tayo ay maging ‘united’ to conquer pain and difficulties. When we are united, we help one another miracles will happen,’ ayon pa kay Archbishop Jumoad.
Giit pa ng arsobispo, ito rin ang dahilan ng pagiging tao ni Hesus, upang maiparamdam ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.
At sa kabila ng naiibang pagdiriwang dahil sa pandemya nawa ay ipagdiwang ng sambayaban ang natatanging pagdiriiwang kasama ang kani-kanilang pamilya bilang simbahan.
‘May the families be united in prayer as an expression of faith and devotion. The family is a domestic church. Ipakita natin na ang ating oamilya ay simbahan,’ dagdag pa ng arsobispo.