455 total views
Inihayag ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na pinakamahalaga ang pagiging non-partisan ng mga ahensya ng pamahalaan upang mapanatili ang mabuting paglilingkod sa mamamayan.
Sa social media post ng Opisyal, iginiit nitong napapahamak ang interes ng bayan dahil sa usaping political ng mga kawani ng pamahalaan.
“It is in the realm of public service in agencies of government that the concept of non-partisanship is most essential. We’re doomed, the moment our career public servants fail to do their jobs because they of partisan political interests,” bahagi ng pahayag ni Bishop David.
Ipinaliwanag ni Bishop David na ang pagiging non-partisan ng mga naglilingkod sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay mas nagagampanan ang mga tungkuling iniaatas alinsunod sa sinasaad ng konstitusyon.
Tinukoy ng Obispo ang mga opisyal na ‘appointed’ sa kani-kanilang posisyon sa pamahalaan.
Ayon pa kay Bishop David, tanda ng pagiging matatag ng isang kagawaran ang pananatiling pagsunod sa sinusumpaang tungkulin.
“I think one of the best signs that our government institutions remain strong is when career public servants can remain positively indifferent to the political interests of elected government officials,” ani Bishop David.
Sa ginanap na ika-123 CBCP Plenary Assembly inihayag ni Bishop David na maglalabas ng pastoral statement ang mga obispo kaugnay sa nalalapit na 2022 National and Local Elections sa Mayo.
Kasabay nito puspusan din ang pagsusulong ng Halalang Marangal 2022 ng CBCP para matulungan ang 67 milyong botante na kilatisin ang bawat kandidato.
Bukod pa rito ang One Godly Vote campaign ng media arm ng Archdiocese of Manila at ang voter’s education campaign ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting.