389 total views
Muling umapela ang Kanyang Kabanalan Francisco sa international community na kumilos para sa pagkakasundo ng mamamayan sa Myanmar.
Ikinalungkot ng Santo Papa ang nagpapatuloy na karahasan sa bansa na labis nakakaapekto sa mamamayan lalo na sa mga inosente at kabataan.
“For a year now, we have been watching the violence in Myanmar with sorrow. I echo the appeal of the Burmese bishops for the international community to work for reconciliation between the parties concerned,” bahagi ng pahayag ni Pope Francis.
Ang pahayag ng Santo Papa ay kaugnay sa pagdiriwang ng ikalawang anibersaryo ng International Day of Human Brotherhood na inilunsad noong Pebrero 2019 sa kangyang apostolic visit sa Middle East.
Pawang lumagda si Pope Francis at Grand Imam of Al-Azhar, Muhammad Aḥmad al-Tayyib sa ‘Document on Human Brotherhood and for World Peace and Common Coexistence’ na layong isulong ang pagkakapatiran na may ibayong paggalang sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala at tradisyong kinagisnan.
“I hope that concrete steps will be taken together with the believers of other religions, and also with people of good will, to affirm that today is a time of brotherhood, avoiding fueling clashes, divisions, and closures. Let us pray and commit ourselves every day so that we can all live in peace, as brothers and sisters,” ani ng Santo Papa.
Matatandaang February 1, 2021 nang ilunsad ng mga sundalo sa Myanmar ang kudeta at isinantabi ang pagkahalal ni Aung San Suu Kyi ng National League for Democracy dahil sa alegasyon ng pandaraya sa halalan
Makalipas ang isang taong kaguluhan sa Myanmar nasa 1, 500 indibidwal na ang nasawi habang mahigit 10-libong katao naman ang inaresto batay na rin sa datos ng Assistance Association for Political Prisoners.m
Kaisa si Pope Francis sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of Myanmar sa pamumuno ni Cardinal Charles Maung Bo na maayos na pagdadayalogo sa magkabilang panig upang matapos na ang karahasan at manumbalik ang kapayapaan at pagkakaisa ng bansa
“Let us ask God in prayer for consolation for this tormented population. To him we entrust our efforts for peace,” giit ni Pope Francis