491 total views
Charter Change at pagiging bukas sa paggamit ng nuclear energy ang kabilang sa mga polisiyang isusulong ni presidential candidate Norberto Borja Gonzales.
Si Gonzales ang ika-apat na presidentiable na naging panauhin ng Radio Veritas One Godly Vote ‘Catholic E-Forum’ na layong ipakilala sa mga botante ang mga kandidato sa matataas na posisyon ng pamahalaan kabilang na ang pampanguluhan, pangalawang pangulo at senador.
Ayon kay Gonzales, marami nang pagbabago sa teknolohiya para sa ligtas na paggait ng ‘nuclear’ bilang alternatibong pagkukunan ng enerhiya.
‘‘Hindi lamang renewable energy, kundi alternative energies should also be explore. We will go with the renewable energies, but it’s about time to think of alternative sources,’’ ayon kay Gonzales.
Tiniyak din ng dating kalihim ng National Defense ang pagtatanggal ng paggamit ng fossil fuels sa lalong madaling panahon, at iba pang alternatibong enerhiya tulad ng nuclear power.
‘‘But there are new development in nuclear energy that we have to examine, iba na ang takbo ng nuclear energy hini na malalaki, maliliit-containable,” ayon pa kay Nograles.
Nais din ni Gonzales na buksan ang ekonomiya maging sa maliliit na Filipinong negosyante na aniya’y bilang bahagi ng papapaunlad ng bayan.
‘‘Mauubusan tayo ng energy, kahit na ang maruruming energy. We have to do something about this. This is a crisis,’’ ayon pa kay Gonzales na dating bahagi ng gabinete ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Kaugnay naman sa pagbabago ng Saligang Batas, sinabi ni Gonzales na dapat nang pag-usapan ang pagbabago sa pulitika dahil ito ang nakakasira sa pagkakataon para umunlad.
Giit pa niya, naging marumi ang pagtingin sa ‘Cha-Cha’ dahil ito ay pinag-uusapan sa pagtatapos ng termino ng mga nakaupong pinuno.
Ayon kay Nograles sa unang taon pa lang sisimulan na ang pagtalakay sa ‘charter change’ sakaling palarin na manalo sa halalan.
Kabilang din sa binigyang pansin ni Gonzales sa talakayan ang pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura, pagbububukas ng kaban ng bayan lalo na sa maliliit na negosyante, pagtutol sa political dynasty at pag-aangat sa kalidad ng edukasyon.