413 total views
Umabot na sa ikatlong linggo ang pananatiling sarado ng mga simbahan sa Diyosesis ng Hong Kong dahil sa nararanasang COVID-19 surge.
Ito ang pagbabahagi ni Chaplain to the Filipino Catholics in Hong Kong Rev. Fr. Jay Francis Flandez SVD sa Radio Veritas.
Nilinaw ng Pari na ito ay bahagi ng pag-iingat ng simbahan at bilang pangangalaga sa bawat mananamapalataya.
“At this time parang before last month walang public mass pero bukas ang simbahan and last 2 or 3 week talagang the diocese closed na ang simbahan kasi parang lumala na nga, so gayon ngayon pangatlo na ata tong walang public mass at this time hindi lang talagang- sinarado talaga so before bukas they can go personal prayer,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Flandez.
Iniulat ni Fr.Flandez na upang makapagsimba ang mga Pilipino ay dumadalo ang mga ito sa online mass na kaniyang pinapangunahan gayundin sa mga online mass na idinadaos sa Pilipinas.
“So ang simbahan close but may mga online tulad ng chaplaincy for filipino migrants, may mga online spiritual spiritual activities the reflection or dahil online nga, yung ating kababayang may access diyan sa Pilipinas so diyan din sila nag-atten ng online mass,” ayon pa sa Pari.
Tiniyak naman ni Father Flandez na kumikilos ang mga misyunaryo sa bansa upang mapunan ang espiritwal na pangangailangan ng mga mananamapalataya.
Ayon sa Pari, ang mga Pilipinong Misyonero at ang mga Madre ay kumikilos sa kanilang pamamaraan kasabay ang pagtalima sa mga ipinatutupad na Health protocols sa tulong ng pagbibigay ng mga reflections at counseling.
“And some other Filipino missionaries not only Priests but also, religous, yung mga Sisters they are also doing on their little way on how to reach out our kababayan to give some spiritual nourishment through either reflection or some counceling sa kanila.”