575 total views
Inaanyayahan ng Radyo Veritas ang mga kapanalig na tunghayan at makibahagi sa Catholic E-Forum ng himpilan.
Isasagawa rito ang ‘one-on-one interview’ sa mga kandidato para sa pagkapangulo, pangalawang pangulo at senador para sa nalalapit na 2022 National and Local Elections.
Tampok sa Catholic E-Forum ang hangarin, plataporma at adbokasiyang isinusulong ng bawat kandidato sa pulitika, kultura, ekonomiya, at kalikasan.
Kabilang sa mga nauna nang sumalang sa one-on-one interview ay sina Presidential aspirants Ka Leody de Guzman, Dr. Jose Montemayor Jr., dating Presidential spokesman Ernesto Abella, dating Defense Secretary Norberto Gonzales, at Faisal Mangondato.
Bukas, February 28 ang maglalatag naman ng mga plano at adhikain sa Catholic E-Forum ay si Presidential aspirant Manila Mayor Isko Moreno habang sa March 1 naman ay ang kanyang katambal na si Vice Presidential aspirant Doc Willie Ong.
Samantala, sa March 2 ay makakapanayam naman si Vice-president Leni Robredo na kandidato rin sa pagkapangulo ng bansa, habang ang vice presidential aspirants na sina Manny SD Lopez at Carlos Serapio ay sa March 3 at 4.
Ang Catholic E-Forum ay bahagi ng voters education campaign na One Godly Vote ng Radyo Veritas at Archdiocese of Manila bilang paghahanda sa nalalapit na halalan.
Mapapakinggan ang Catholic E-Forum sa Radio Veritas 846 AM at mapapanood sa mga facebook page ng DZRV 846, Radio Veritas Asia, TV Maria, RCAM-AOC, Catholic Media Network, Skycable Channel 211 at iba’t ibang social communications ministry ng simbahan.