363 total views
Pabor si presidential aspirant Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na ibalik sa ‘two party system’ ang bansa na magiging solusyon din sa political dynasty na umiiral sa Pilipinas.
Ito ang bahagi ng pahayag ni Domagoso sa ginanap na Catholic E-Forum One Godly Vote education campaign ng media arm ng Archdiocese of Manila.
“And to cure that, Yun nga yung 2-party system maibalik talaga, para medyo tumitining na ‘yung poliical beliefs. kasi ang nangyayari sa multi-party system kung saan lang kumportable. E ako hindi naman, ang comfort zone ko is ‘ano ang kapakinabangan ng tao?’ at yung bang mga kasama ko sa tabi ay nakikiiayon dun sa layunin na gustong magserbisyo sa tao,’’ ayon kay Domagoso.
Giit pa ni Domagoso na marami paraan para maisakatuparan ang ‘Two-party System’ na kaniyang isusulong na naayon sa Saligang Batas, hindi lamang sa paraan ng lehislatura kundi maging sa kapangyarihan ng sambayanang Filipino.
“Panahon na siguro na magkaroon sila ng representasyon sa Senado at hindi na naging food franchise ang senado from father to mother to husband and wife, minsan nagsababay pa.”
Paglilinaw naman ni Domagoso ang kaniyang paglipat-lipat ng partido na sa kasalukuyan ay nasa ilalim na ng Aksyon Demokratiko.
“That’s is exactly the point, lagi akong matapat sa inyo hindi sa partido. That is the purpose why I deal with politics and politicians. Dealing with them is far different from dealing sa problema ng tao. My fellow politicians doest served the interest of people, hiwa-hiwalay kami,’” ayon sa alkalde.
“More than anything else, a party is just a party but it’s always the people.”
Giit ni Damagoso na mas mahalaga ang kaniyang pangangalaga sa interes ng bayan, sa interes ng partido pulitikal na kinakaaniban.
Ilan din sa mga tinukoy ni Domagoso ang mga hangarin na pagkakaroon ng maraming ospital lalo nasa mga lalawigan
Ito ay upang hindi na kinakailangang lumuwas pa ng Maynila ang mga pasyente na nangangailangan ng lunas lalo na sa may malulubrahang karamdaman.
Gayundin ang pagkakaroon ng mga pagamutan na eksperto sa pandemya na naranasan ng bansa at ng buong mundo sa nakalipas na dalawang taon.
Sa tala, wala pang 500 ang mga pampublikong pagamutan sa buong bansa habang 960 naman ang pribadong hospital sa higit 100 milyong populasyon ng Pilipinas.
Sa pamamagitan din ng pagkakaroon ng maraming hospital ay magsisilbi din itong karagdagang trabaho para sa mga Filipino at kabawasan sa mga medical workers na nagtatrabaho sa ibayong dagat.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, may 7.2 milyon ang migranteng Filipino na nagtatrabaho sa ibang bansa dahil sa kakulangan ng oportunidad sa bansa.
“No-on Death Bills”
Naninindigan din si Domagoso laban sa parusang kamatayan, abortion, diborsyo at same sex marriage.
Gayuman ay sang-ayon siya sa ‘same sex union’.