Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 390 total views

Homiliya para sa Miyerkules ng Abo, 02 Marso 2022, Mateo 6:1-6, 16-18

Pananalangin, Pag-aayuno, at pagkakawanggawa. Itong tatlong ito ay mga DISIPLINA, mga pagsasanay na espiritwal na ginagawa rin ng mga Hudyo at Muslim, bukod sa ating mga Kristiyano. Itong tatlong ito ang madalas kong tawaging mga paraan ng “spiritual workout”. Kumbaga sa katawan ng tao, ang kaluluwa natin kailangan din ng workout, kung ayaw nating tumamlay, humina at maging sakitin. Mga disiplina ito na napaka-importante para manatiling malakas ang ating buhay espiritwal, malusog at may resistensya sa paglusob o pag-atake ng dimonyo.

Pero sa araw na ito ng simula ng Panahon ng Kuwaresma, ang importanteng pagnilayan natin ay ang kaugnayan ng tatlong ito sa isa’t isa. Kapag nawalan ng kaugnayan ang pananalangin natin, pag-aayuno at pagkakawanggawa sa isa’t isa, nawawalan ng kahulugan ang mga ito. Ito ang pinaka-punto ng mga pagbasa natin ngayon. Kumbaga sa buhay ng isang punongkahoy, may kaugnayan sa isa’t isa ang pag-usbong, pamumulaklak at pagbubunga ng ating pagkatao, tungo sa ating tunay na pakikihawig sa Diyos.

Ang paglapit natin sa Diyos ay nagpapabago sa ating pagkatao. Katulad ng pagbabagong nangyari kay Moises ayon sa Bibliya. Kapag umaakyat daw si Moises sa bundok para manalangin, sa pagbaba niya, napapansin daw ng mga Israelita na parang kumikinang ang mukha niya. Naaaninag nila ang ninging ng pagka-Diyos sa pagkatao niya. Naaaninag sa kanya ang hugis at wangis ng Diyos. Sa madaling salita, nakakahawig ang Diyos.

Ipapaliwanag ko pa nang kaunti, baka kasi magkamali kayo ng intindi. Madalas kasing sakyan ni Satanas ang prosesong ito ng pakikihawig sa Diyos. Minsan, maayos sa simula, pero sa katagalan, naililihis niya. Naililigaw niya tayo tungo sa maling pakikihawig o pakikitulad sa Diyos, katulad ng panunuksong ginawa niya kina Adan at Eba. Inudyok silang sumuway. “Hindi naman totoong mamamatay kayo pag kumain kayo ng bungang iyan,” wika niya. “Magiging katulad kayo ng Diyos!”

Hindi pakikihawig sa Diyos ang itinuturo sa atin ni Satanas kanila kundi pagbabalatkayo at pagdi-diyosdiyosan. Imbes na mapaganda ang ating pagkatao, pinapapangit niya. Lalo tayong inilalayo sa itsura ng Diyos at inilalapit sa itsura ng dimonyo. Ano ang panlaban dito?

Pananalangin na may pag-aayuno, pag-aayuno na nagkakawanggawa, at pagkakawanggawa na bumabalik din sa pananalangin. Hindi hiwalay ang tatlo. Nagdudulot lamang ng lakas at sigla sa atin kapag magkakaugnay ang tatlo. Pagnilayan pa natin nang kaunti.

PANANALANGIN. Ito ay pakikinig sa Diyos. Alam mong naririnig mo ang Diyos kapag naririnig mo na rin ang mga tinig at hinaing ng maraming tumatawag sa sa Diyos. Merong ganyang eksena sa pelikulang TANGING YAMAN. Nasa loob ng simbahan ang lola, kasama ang kanyang apo. Maraming mga tao sa loob ng simbahan, bawat isa may idinarasal din at parang naririnig ng apo. Kaya itatanong niya sa lola, “Lola, hindi ba nalilito ang Diyos sa atin? Sabay-sabay kasi tayong nagdarasal at iba iba ang hinihingi natin. Naririnig po ba niya tayong lahat?”

Sagot ng lola, “Oo, pati yung hindi natin sinasabi na nasa loob natin naririnig din niya. Parang ikaw, alam kong paglabas natin dito sa simbahan gusto mo ibili kita ng lobo.” Sabi ng apo, “Po? pano nyo nalaman?” Sabi ni lola, “Kasi lab kita. Kahit di mo sabihin alam ko ang nagpapasaya sa iyo. Ganyan din si God. Alam nya. Kasi mahal niya tayo.”

Ang panalangin ang nagbubukas sa ating kalooban para marinig din natin ang mga hiling ng ating kapwa. Nagpaparamdam sa atin sa nararamdaman ng Diyos. Dito pumapasok ang kaugnayan ng prayer at fasting. Ang pag-aayuno ay kusang-loob na pagsupil sa ating mga hilig at pagnanasa. Ang pinakamabilis kasi nating maramdaman ay ang mga bagay na may kinalaman sa ating sarili, sariling pagkagutom, sariling pagkauhaw, sariling mga hilig. Kung minsan, kailangan nating matutunang supilin ang mga ito para maramdaman din natin ang pagkagutom ng iba, ang mga pagdurusa at hirap na pinagdaraanan ng kapwa.

Di ba, kahit gaano ka kagutom, kahit anong sarap ng pagkain sa harapan mo, parang hindi mo ito makain at malasap kapag naiiisip mo ang mga walang makain o namamatay ng gutom. Kahit ipikit mo ang mga mata mo, nakikita mo sila. Sa pag-aayuno, imbes na iwasan sila, kailangang harapin sila. Sinusupil muna natin ang ating mga hilig, para maramdaman natin at maranasan ang nararanasan nila. Ito ang bumago kay Moises nang makita niya ang pagdurusa ng mga aliping Hebreo. Bumabalik balik sa kanyang alaala.

Sa ating first reading, ang sinabi ng propetang Joel ay parang akmang akma sa pinagdaraanan ngayon ng mga Ukrainians. “Mahabag ka Panginoon sa iyong bayan. Huwag mong kaming hayaang malupig at muling pagharian ng mga dayuhan.” Isipin natin na ang nangyayari sa kanila ay pwede ring mangyari sa atin. Di nga ba’t nagsimula na tayong sakupin ng China noon pa? Ano ang makapipigil sa kanila ngayon na gawin sa atin ang ginawa ng Russia sa Ukraine? Sa pananalangin, pag-aayuno ay mararamdaman din natin ang nararamdaman nila gaano man sila kalayo sa atin.

Ang pagkagutom at pagkauhaw sa pag-aayuno ang magpapalaya sa atin sa pagkaalipin sa ating mga materyal na kayamanan. Ang pera daw ay ginagamit, ang tao ay minamahal. Alam nating nalilihis na ang pagkatao natin kapag bumaligtad. Kapag ang tao ang ginagamit natin at pera na ang minamahal natin.

Kaya ang bunga ng tamang pag-aayuno ay malasakit at pagkakawanggawa. Pinalalaya tayo sa mga hilig natin. Nakapagtataka, di ba? Sa pagkakawanggawa, akala natin tayo ang tumutulong, pero ang totoo, tayo ang natutulungan. Sa pagtugon natin sa sa mga hinaing ng kapwa, gumaganda ang ating pagkatao, nararamdaman natin sa loob natin ang pintig ng puso ng Diyos. Sinasagot pala niya ang mga panalangin ng kapwa sa pamamagitan din ng bawat isa sa atin, sa mga gawaing may malasakit na walang hinihintay na kapalit. Nakakahawig natin siya.

Hindi ginagawa para sumikat, o tumawag pansin sa sarili, o makilala. Ginagawa mo dahil ramdam mong pinagagawa ng Diyos sa iyo, dahil ang pagsunod sa kalooban niya ang nagbibigay ng tunay na kaligayahan sa kalooban mo.

Bilang pangwakas, may suggestion ho ako. Ang ibunga ng pananalangin at pag-aayunong gagawin ninyo para sa buong panahon ng Kuwaresma ay ipunin ninyo sa isang alkansa para sa kawanggawa. Tawaging ALKANSYA SA KUWARESMA. Para saan? Alam ko nakatulong na ang marami sa inyo sa relief work sa mga nasalanta ng Bagyong Odette. Pero karamihan sa kanila ay homeless at jobless pa rin. From relief, ngayon ang mas malaking challenge ay rehabilitation work. Kaya minabuti ng Caritas Philippines na sa taong ito, tututukan ng ALAY KAPWA Program ang isang proyektong tinawag na “400 Million Pesos Early Recovery Project” para sa 10,000 families sa labing-isa sa mga pinaka-apektadong mga probinsiya.

Hulug-hulugan ang alkansya bawat araw na may maitabi kayong bunga ng pananalangin at pag-aayuno para sa kongkretong pagtulong sa kapwa. Ipadala lang po sa Caritas Philippines bago matapos ang Kuwaresma sa Linggo ng Palaspas sa pamamagitan ng inyong parokya. Isulat lang: para sa ALAY KAPWA PROGRAM 2022 ng Caritas Philippines. Tinitiyak ko, aagos ang pagpapalang ipagkakaloob ng Diyos sa inyong pamilya at sa ating bansa.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 24,548 total views

 24,548 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 39,204 total views

 39,204 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 49,319 total views

 49,319 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 58,896 total views

 58,896 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 78,885 total views

 78,885 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,221 total views

 7,221 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,351 total views

 9,351 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,350 total views

 9,350 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,352 total views

 9,352 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,348 total views

 9,348 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,220 total views

 10,220 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,422 total views

 12,422 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,455 total views

 12,455 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,809 total views

 13,809 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 14,905 total views

 14,905 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,113 total views

 19,113 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,832 total views

 14,832 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,201 total views

 16,201 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,463 total views

 16,463 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,156 total views

 25,156 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top