710 total views
Hindi makikiisa ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) sa isasagawang ‘Tigil-Pasada’ ng may 24 na Transport Group sa March 15.
Ayon Liberty De Luna – National President ng ACTO, ang kanilang desisyon ay kung maipapamahagi ng pamahalaan ang ipinangakong 2.5-Billion Pesos fuel subsidy sa may 377-libong jeepney drivers at didinggin ang hinaing ng taas-pasage sa mga Public Utulity Jeepneys (PUJ).
“Ang ACTO po ay hindi po sasama sa strike dahil sa pag-taas ng gasolina, waiting kmi for the mean time may fuel subsidy po 2.5-Billions, na 6500 bawat operators, kapag lumabas po ito nation wide ang ACTOpo ay hindi sasali sa strike nila,” ayon sa mensaneheng ipinadala ni De Luna sa Radio Veritas.
Nanindigan si Ricardo Rebaño na magpapatuloy ang pamamasada ng mga miyembro ng kanilang samahan sa araw ng tigil-pasada upang makapag-serbisyo sa mga mamamayang Pilipino.
“Natapos ang aming pagpupulong sa maginhawang desisyon, ang lahat ng local association ay nagdesisyon na hindi po kami makikiisa sa tigil pasadang nakaamba, yan po aming naging desisyon sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga petrolium product, mag papatuloy po ang aming pagseserbisyo sa ating mga kababayan na umaasa din sa pampublikong sasakyan,” ayon din sa ipinadalang mensahe ni Rebaño sa Radio Veritas.
Panawagan ng ACTO sa pamahalaan ang pagsasama din sa mga Jeepney drivers na hindi pa nakakabalik sa pamamasada sa hanay ng mga mapapamahagian ng financial assistance, kasama ang mga Operators na hindi pa nagkakaroon ng Q.R code mula sa Land Tranportations Franchising Regulatory Bord (LTRFB).
“Pangalawa po ako po ay nananawagan sa ating gobyerno DOTr (Department of Transporation) at LTRFB na sana po lahat ng mga operators ng transportasyon ay makakuha ng tawid-pasada kahit di po sila cooperatiba at kahit walang q.r.code at dipa sila nakakabiyahe ng 2 taon mahigit na po” ayon pa kay De Luna.
Nagpapasalamat naman ang FEJODAP sa ilang mga kompanya ng langis na nagbibigay ng dalawang-pisong discount sa mga Jeepney driver.
Hiniling din ng grupo na taasan ito ng hanggang apat na piso upang makatulong sa mga drivers na patuloy paring nakakaranas ng suliranin ng dahil sa pandemya.
“Ganun din ang aming panawagan sa lahat ng gas station sa bansa ay tulungan din kami sa pamamagitan ng pagbibigay ng diskwento sa lahat ng PUV meron mangilan ngilan na gas station na nagbibigay ng 2 pesos na discount, sana nman po ay gawing 4 pesos kada litro ang makuhang tulong ng mga puv drivers,” ayon pa kay Rebaño.
Kaugnay nito ay nilinaw ni Ariel Inton – Pangulo ng Lawyers for Commuter Safety and Protection na hindi kilos protesta ang isasagawang tigil-pasada sa March 15 sa halip ito paghinto lamang ng pamamasada ng mga drivers bunsod ng napakataas na na presyo ng mga produktong petrolyo.
Una ng tumulong ang Caritas Manila sa mga Jeepney Drivers sa Metro Manila na naapektuhan ng pagpapairal ng pinakamahigpit na panuntunan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).