197 total views
Homiliya para sa ika-12 ng Marso, Sabado ng UNang Linggo ng Kuwaresma, Mat 5:43-48
39 taon na ako sa pagkapari, pero hanggang ngayon, feeling ko estudyante pa rin ako sa pagpapaka-Kristiyano. Siguro, kayo rin kung minsan naitatanong ninyo sa sarili ninyo, posible ba talagang isabuhay ang mga itinuturo sa atin ni Kristo? Si Mahatma Gandhi yata ang minsan nagsabi, “I like your Christ, I do not like your Christians. Your Christians are so unlike your Christ.” Naaakit daw siya kay Kristo, pero hindi sa mga Kristiyano, dahil malayong-malayo daw sila sa Kristong sinasamba nila.
Habang tumatanda ako, mas lalo kong naiintindihan ang ganoong reaksyon sa pananampalatayang Kristiyano. Para kasing pinaka-taas-taas ni Kristo ang standard niya ng pagpapakatao. Katulad ng ebanghelyo natin ngayon, “Maging PERFECT daw tayo kung paanong ang ating amang nasa langit ay PERFECT.” Naalala ko tuloy ang isang linya sa isang lumang pelikula ni Sharon Cuneta, “Pasensya ka na, hindi kasi ako napaka-PERFECT na katulad mo.”
Parang may pa-humble effect ang statement na ito, pero sa totoo lang, SARCASTIC ang dating. Hindi kaya kung minsan parang ganoon ang gustong sabihin ng ibang mga taong nagri-react sa sobrang taas na standard ng pagpapakatao para sa Kristiyanismo? Madaling sabihin ngunit mahirap gawin? Kaya tayo madalas maakusahan na ipokrito. Kapag sa tingin nila hindi natin nagagawa ang pinaniniwalaan natin.
Pagnilayan natin nang konti ang challenge na ito. Paano daw ba maging PERFECT, ayon kay Kristo? Kung ipa-paraphrase ko ang sinasabi niya, parang ganito: “Kung magmamahal ka rin lang, lubus-lubusin mo na. Huwag iyung magmamahal ka lang sa nagmamahal sa iyo at kamumuhian mo ang mga namumuhi sa iyo. Hindi ganoon. Mahalin mo pa rin kahit iyung mga namumuhi sa iyo. Ipagdasal mo kahit ang mga nanlalait sa iyo.”
Alam ko, kung minsan, kapag pikang-pika na tayo, o kapag sawang-sawa na sa mga kalabisan at pang-aabuso ng iba, parang natutukso na talaga tayong gumanti o gumaya sa kanila. Pero kapag nahimasmasan naman tayo sa sobrang pagkainis, nagi-guilty naman tayo, at parang gusto nating sabihin sa Diyos, “Lord, naman kasi, sobrang taas naman ng standard mo, e tao lang ako. Paano ko sila mamahalin e napakasinungaling nila? Paano ko sila ipagdarasal e napakatindi nila kung manlait, mang-abuso at manirang-puri?
At ang sagot ni Hesus kapag nagsasabi ako nang ganoon ay, “Ikaw ba, gusto mo bang maging ganyan din ang pagtrato ng Diyos sa iyo? Na magiging mabait lang siya sa iyo kapag mabait ka, at magiging masama siya sa iyo kapag pasaway ka?”
Binago talaga ni Hesus ang pananaw natin mula nang ilarawan niya ang Diyos bilang magulang sa kanyang mga anak. Kung ang tingin mo nga naman sa Diyos ay JUDGE o PULIS, talagang wala kang ligtas kapag nagkamali ka o nagkasala; parusa ang katapat mo. Pero ang Diyos, sabi ni Hesus, parang magulang natin siya at mga anak niya tayo. Hindi niya tayo itatakwil. Magagalit siya kapag gumagawa tayo ng masama, pero mamahalin pa rin niya tayo. Kaya nga niya tayo pagagalitan o sasawayin dahil mahal niya tayo. Meron din palang tamang klase ng galit na hindi pagkamuhi. Galit ka sa kasalanan pero hindi sa nagkasala.
Maraming beses nyo nang narinig sa akin na mas gusto kong tawaging TEN COMMITMENTS kaysa TEN COMMANDMENTS ang sampung utos ng Diyos. Sa Tagalog, SAMPUNG KASUNDUAN, kaysa SAMPUNG KAUTUSAN. Ang first reading natin ngayon ang aking batayan para dito. Ilang beses inulit-ulit ang salitan tipanan o kasunduan.
Ang pinaka-importante kasi sa sampung kasunduan ay ang pinaka-una: “Ako ang Panginoon mong Diyos, wala kang ibang sasambahin maliban sa akin.” Committed na tayo sa isa’t isa. Dito, hindi father kundi lover ang parang naiimagine kong nagsasalita. Isang paanyayang pumasok sa isang malayang kasunduan, sa pagitan ng magkatipan. Parang sinasabi niya “Kung mahal mo ako, iiwasan mo ang hindi dapat gawin at paninindigan mo ang dapat gawin.”
Ang mas importante pala sa KRISTIYANONG RELIHIYON ay RELASYON. Relasyon ang pundasyon ng RELIHIYON. Pumapasok tayo sa isang kasunduan sa Diyos kaya sunusunod ka sa kundisyon. Sa Old Testament, ang kundisyon ay BE HOLY, because I the Lord your God am HOLY. Maging banal daw tayo, dahil ang Diyos ay banal. Kay San Mateo, mas matindi: BE PERFECT, maging ganap, katulad ng Diyos na ganap. Kay San Lukas, BE MERCIFUL, maging mahabagin daw tayo, katulad ng Diyos na mahabagin.
Whether holy, perfect or merciful, palagay ko ang suma total ay: “tumulad tayo sa Diyos”. Iyun nga lang madalas tayong iligaw ni Satanas sa usapin ng pakikitulad sa Diyos—na maghangad tayo ng kapangyarihan at kadakilaan dahil ang Diyos ay makapangyarihan at dakila. Tama ba? Mali. Si Kristo lamang ang makapagtuturo sa atin ng tamang pakikitulad sa Diyos: ang magmahalan daw tayo tulad ng pagmamahal niya sa atin. Ang umibig at magmahal na katulad niya, ang mag-alay buhay bilang katubusan para sa mga makasalanan—ito lang ang tunay na pakikitulad sa Diyos.
Ito ang background kung bakit sinagot ko last week ang ilang mga reaksyon ng ibang tao tungkol sa aming pastoral statement sa CBCP. Sabi nila “We are fomenting hatred (daw). We are dividing, not uniting (daw).”
Kaya sinabi ko—“What we promote is not division but rather openness to dialogue in the midst of our differences, to engage in reasonable conversations, to do collective discernment and consensus-building, which Pope Francis calls the spirit of synodality— to grow together in communion, participation and mission. Hindi madali iyon. It is a tedious process that can hopefully lead to a more genuine unity in the same Holy Spirit that moves among us and within us.
Jesus prayed for unity but he knew the possible consequences of upholding the values of the Gospel: division, persecution, suffering and death. Working for genuine unity can sometimes divide us, but if we believe that it’s the same holy Spirit that is at work in us, it will hopefully eventually lead us back to each other.
Sinabi ko rin, “No, we don’t foment hatred. That’s unChristian.” Hindi kami nagpapalaganap ng pagkamuhi. Hindi Kristiyano iyon. Dahil nga mahal natin ang Diyos at kapwa, pati ang kaaway, wala tayong ibang dapat kamuhian kundi ang kasamaan. Wala tayong kapwa tao na dapat ituring na kalaban dito sa mundo.
The only enemy Christianity teaches us to renounce is Satan—who is the prince of lies and who alone is happy when evil triumphs, when good people are seduced by lies and disinformation, when people learn to hate the sinner rather than the sin, or when people are conditioned into treating each other as enemies than as brothers and sisters.