Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 381 total views

Homiliya para sa ika-13 ng Marso, Ikalawang Linggo ng Kuwaresma, Luk 9:28b-36

Ang ebanghelyo sa ikalawang Linggo ng Kuwaresma ay laging tungkol sa PAGBABAGONG-ANYO ni Hesus. Pero para sa ating reflection ngayon, pag-usapan natin ang tungkol sa konteksto ng PAGBABAGONG-ANYO—ang pakikipag-usap. Pag-uusap na nakapagbabagong-anyo.

Nasa tatlong ebanghelyo ang kuwentong ito, pero si San Lukas lang ang nagbibigay sa atin ng ideya tungkol sa sitwasyon o konteksto ng pagbabagong-anyo. Umakyat daw sa bundok si Hesus para manalangin. At habang nananalangin siya, nagbago ang anyo niya.

Madalas ilarawan ng mga ebanghelista ang pananalangin bilang mga okasyon ng pagdidili-dili para kay Hesus. Di nga ba’t ito ang mga pagkakataon na lumalayo siya sa maraming tao para makapag-isa? Pero sa totoo lang, ang mga sandaling ito ng pag-iisa ay mga sandali rin ng pinakamatinding pakikipag-usap ni Hesus, mga sandaling hindi siya nag-iisa. Sino ang kausap niya? Sa mata ng tagapanood—sarili lang niya ang kausap niya. Monologue ang tawag ng iba sa ganyan—pakikipag-usap sa sarili. Ganoon ba ang panalangin? Hindi.

May kausap talaga siya. At ito daw ang nasaksihan ng tatlong alagad—Pedro, Santiago at Juan. Ang unang nakita nilang kausap niya ay dalawang tao: si Moises at Elias, mga karakter ng Bibliya, kumakatawan para sa dalawang bahagi ng Banal na Kasulatan: si Moises, para sa Torah o Aklat ng Batas, at si Elias naman para sa Nebi’im o aklat ng mga Propeta. Pati ang topic ng pag-uusap nila ay mukhang narinig ng tatlong alagad—ang topic daw ay ang kanyang “eksodo” na magaganap sa Jerusalem.

May isang yugto na nakakatawa sa eksena, lalo na noong nakisawsaw sa usapan itong tatlong alagad sa pag-uusap ng tatlo: Hesus, Moises at Elias. Kung EKSODO ang pinag-uusapan nila, ano pa ang ibig sabihin nito kundi pag-alis o paglisan? Sabi siguro ng tatlong alagad, “Aalis na ba siya? Iiwan na ba tayo? Sinusundo na ba siya nitong dalawa?” Kaya biglang sumabat si Pedro sa usapan—“Guro, mabuti na lang narito rin kami. Kayo rin, dito lang muna kayo. Ipagtatayo namin kayo ng kubol, tig-iisa kayo.” Sa madaling salita, gusto nilang pigilan ang pag-uusap. Ang intindi nila, kinukuha na siya. Please po, huwag muna. Ayaw namin ang pag-uusap na iyan. Magkanya-kanya na muna tayo. Respetuhin na lang natin ang isa’t isa.

Sa sandaling iyon daw, habang nagsasalita si San Pedro, natakpan sila ng ulap. Biglang napalitan ng dilim ang liwanag na kanina lang ay naaaninaw nila. Pero may narinig silang tinig sa gitna ng kadiliman—ang tinig ng tunay na kausap ni Hesus, ang Diyos Ama. At may payo ang ama sa kanila kung ibig din nilang maranasan ang isang pakikipag-usap na makabuluhan at na nagpapabago sa ating pagkatao: MAKINIG MUNA.

Maraming klaseng pag-uusap. At alam natin na hindi lahat ng pag-uusap ay nagbibigay liwanag, o nakapagbabagong anyo. Minsan, ang pag-uusap natin ay walang katuturan, lalo na kung ito’y hindi nakabase sa katotohanan. Di ba may kasabihan tayo, “Ang maniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili?” Ang pag-uusap ng mga tao ay pwedeng mauwi sa tsismisan lang o sa nakaaaliw na pantasya. Kung minsan ang simpleng bidahan ay pwedeng mauwi sa kantiyawan. May mga usap-lasing na nauuwi sa barilan o saksakan. Sa amin sa Pampanga, ang salita para sa “AWAY” ay “PATE” na ang literal na kahulugan ay PAGPATAY. Advanced talaga kaming mga Kapampangan—away pa lang, patayan na. Siguro dahil alam namin na ang madalas na pagmulan ng patayan ay mga usap-usapang walang katuturan, na nauuwi sa pagtatalo, hinanakitan, hidwaan.

Kapag wala nang katuturan ang pag-uusap, talagang kailangan muna itong putulin, katulad ng ginawa ng Ama sa salita ni Pedro. Minsan kasi kailangan muna talagang lumayo at magdili-dili, para makapasok tayo sa mas malalim na pakikipag-usap, hindi sa sarili kundi sa Diyos. At kung minsan, nakakatulong sa pagbibigay-liwanag sa kalooban ng Diyos ang sinasabi ng Bibliya, o Banal na Kasulatan, ang sinasabi nina Moises at Elias, katulad ng ginagawa natin ngayon mismo.

Kung minsan may mga bagay na dahil ayaw pag-usapan ng kausap mo. Mga topic na kapag binuksan mo, ang sagot ay katahimikan. Ibig sabihin, dinedma ka. Katahimikan na ang ibig sabihin ay: “Ayokong ngang pag-usapan iyan.” Sa Ingles ang tawag sa ganyang mga topic ay CONVERSATION STOPPERS. At sabi nila sa maraming mga Pilipino ngayon, ang pulitika ay isang “conversation stopper.” Katulad ng ginawa ni San Pedro, sa pakikipag-usap ni Hesus kina Moises at Elias, ang suggestion ay, “Tama na iyan. Magkanya-kanyang kubol na lang kayo, kaysa magkalayo-layo tayo ng kalooban.”

Parang tama, pero mali. May advice ang tinig mula sa likod ng ulap ng kadiliman: tinig ng Ama na nagsasabing, “Makinig muna, bago magsalita.” Ito rin ang madalas ipaalala ni Pope Francis tungkol sa diwa ng SYNODALITY, ng pakikilakbay. Kung ibig natin pumasok sa mabuting pag-uusap, kung ibig natin ang pakikipag-usap natin ay maging makabuluhan, malaman, at nakapagbabago, MAKINIG MUNA, BAGO MAGSALITA.

Ito ang dahilan kung bakit sinasabi naming mga obispo na hindi dapat iwasan ang pulitika sa ating pag-uusap. Bahagi ito ng ating buhay panlipunan. Kung ayaw nating mauwi ang pulitika sa masamang uri ng pulitika, kung ibig natin magbago ang anyo ng pulitika sa ating bansa, importante ang mag-usap-usap tungkol dito, humingi ng liwanag ng pananampalataya kina Moises at Elias, makipag-usap sa nakatatanda. Kung ibig natin na ang kahahantungan nito ay EKSODO o paglaya, kung ibig natin na mapatingkad nito ang ningning ng ating pagiging mga Pilipino—kailangan matutong tayong makipag-usap nang mabuti. Pero bago makipag-usap, makinig. Makinig nang may bukas na kalooban, may kahandaang magsiyasat, magsuri, hanggang ating maaninaw ang kalooban ng Diyos. Dahil siya lang ang mag-aangat sa ating pagkatao, magpapabago sa ating anyo at sa kinabukasan ng ating bayan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 40,255 total views

 40,255 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 54,911 total views

 54,911 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 65,026 total views

 65,026 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 74,603 total views

 74,603 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 94,592 total views

 94,592 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,515 total views

 7,515 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,645 total views

 9,645 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,645 total views

 9,645 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,646 total views

 9,646 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,642 total views

 9,642 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,515 total views

 10,515 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,716 total views

 12,716 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,749 total views

 12,749 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 14,103 total views

 14,103 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 15,199 total views

 15,199 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,408 total views

 19,408 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 15,126 total views

 15,126 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,496 total views

 16,496 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,758 total views

 16,758 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,451 total views

 25,451 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top