Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 270 total views

Mga Kapanalig, bawat isa sa atin ay maraming ginagampanang papel sa ating buhay, at kaakibat ng mga ito ang maraming interes at loyalties o katapatan sa ating mga nakakaugnayan—mga kapamilya man, mga kaibigan, o mga katrabaho. Napakalakas din ng utang na loob sa ating kultura, at isa ito sa mga sinasabing dahilan kung bakit mahirap na walang kinikilingan sa ating mga desiyon at ginagawa.

Mas malaking hamon ito sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan. Bilang mga tagapangasiwa ng tinatawag nating public trust, dapat nilang unahin ang interes ng publiko bago ang kanilang interes. Ito ang kanilang sinumpaang tungkulin nang sila ay iluklok sa puwesto o italaga sa kani-kanilang tanggapan. Tinatalikuran nila ang tungkuling ito kapag ginagamit nila ang tangan nilang kapangyarihan at awtoridad upang unahin ang kanilang sariling interes kaysa sa interes ng publiko. Kaya napakahalagang iniiwasan sa pamahalaan ang tinatawag na conflict of interest. Ngunit sa maraming pagkakataon, lalo na sa ilalim ng administrasyong Duterte, may mga itinatalagang opisyal ang may kaugnayan sa mga bagay na maaaring magbunga ng conflict of interest.

Noong nakaraang linggo, pinunan ni Pangulong Duterte ang tatlong bakanteng posisyon sa Commission on Elections (o COMELEC). Tatlong commissioners ang kanyang itinalaga: si National Commission on Muslim Filipinos Secretary Saidamen Pangarungan (na magsisilbing bagong chairman), ang election lawyer na si George Garcia, at social welfare undersecretary na si Aimee Torrefranca-Neri.

May ilang umalma sa mga bagong appointees ni Pangulong Duterte sa COMELEC, at isa rito ang grupong Kontra Daya. Nababahala ang Kontra Daya na wala o kulang ang credentials ng dalawa sa mga bagong commissoners, habang ang isa naman sa kanila ay kilalang abogado noon ng tumatakbo ngayong si Bongbong Marcos na may mga nakabinbing disqualification cases sa komisyon. Tanong ng Kontra Daya, paano raw nila titiyaking mananatili ang kanilang pagging independent o hindi maiimpluwensyahan ng mga pinagkakautangan nila ng loob o mga dating kliyente? Kampante naman ang tagapagsalita ng COMELEC na kaya ng mga bagong talagang commissioners na manatiling patas at walang kinikilingan o pinapanigan habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin.[1] Sana nga.

Sa isang banda, mahalagang pinagkakatiwalaan ng presidente ang kanyang mga magiging katuwang sa pamamahala. Maiintidihan natin kung mga kakilala niya ang kanyang mga itatalaga sa iba’t ibang opisina. Ngunit sa kabilang banda, kailangan pa ring busisiin ang track record at kakayahan ng mga pinipili niyang opisyal lalo na sa mga ahensyang katulad ng COMELEC na napakakritikal ng magiging trabaho ngayong darating na halalan. Mayroon naman tayong Commission on Appointments na magsasala sa mga itinatalaga ng pangulo, ngunit ibang usapin pa kung ang mga mambabatas na bumubuo nito ay inuuna ang interes ng bayan o sunud-sunuran din sa kagustuhan ng pangulo.

Ang pagiging mapagbantay at mapatmatyag o vigilant ang magiging sandata natin upang hindi umiral ang conflict of interest hindi lamang sa COMELEC kundi sa lahat ng agensya ng pamahalaan. Ang serbisyo publiko o public service ay laging tungkol sa pagtataguyod at pagprotekta sa common good o kabutihang panlahat, isa sa mga saligang prinsipyo ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan. Ang isang public servant, samakatuwid, ay hindi dapat ginagamit ang kanilang posisyon para sa sariling kapakinabangan o para sa benepisyo ng kanilang mga pinagkakautangan ng loob. Kapag pababayaan natin ang mga conflicts of interest, hihina ang tiwala ng taumbayan sa ating mga institusyon. Nawawalan ng kumpiyansa ang publiko sa pagdedesisyon ng pamahalaan na siyang may pangunahing tungkulin sa pagtugon sa pangangailangan ng bayan.

Mga Kapanalig, sabi nga sa Ebanghelyo ni San Marcos 13:37, “Magbantay kayo.” Nananatili sa atin, bilang mga dapat na pinaglilingkuran ng mga public servants, ang kapangyarihang panatilihing malaya sa conflict of interest ang pamahalaan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 42,056 total views

 42,056 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 56,712 total views

 56,712 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 66,827 total views

 66,827 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 76,404 total views

 76,404 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 96,393 total views

 96,393 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 42,057 total views

 42,057 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,743 total views

 3,743 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 56,713 total views

 56,713 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 66,828 total views

 66,828 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 76,405 total views

 76,405 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 96,394 total views

 96,394 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 49,698 total views

 49,698 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,723 total views

 44,723 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 48,292 total views

 48,292 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,747 total views

 60,747 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,814 total views

 71,814 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 78,133 total views

 78,133 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,741 total views

 82,741 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 84,301 total views

 84,301 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,862 total views

 49,862 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top