10,137 total views
Inanunsyo ng Pag-IBIG Fund ang pamamahagi ng dividendo sa mga kasaping miyembro ng institusyon.
Ayon kay Pag-IBIG Fund Chairman at Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo Del Rosario ito na ang pinakamataas na dividendo sa kasaysayan ng institusyon na mapakinabangan ng mga miyembro.
“I’m happy to announce once again that the Pag-IBIG Board has approved dividends for our members’ savings in the amount of P31.79 billion – the highest declared amount in the history of Pag- IBIG!,” bahagi ng pahayag ni Del Rosario.
Sa Pag-IBIG Chairman’s Report noong February 24 una nang sinabi ni Del Rosario na nanatiling mataas ang Pag-IBIG Savings.
Patunay ito ng mas pagtangkilik ng mga miyembro sa mga programang ipinatupad ng ahensya para sa kapakinabangan ng bawat isa sa kabila ng pag-iral ng pandemya mula 2020.
Sinabi ng opisyal na nasa 5.5-percent ang final dividend rates ng Pag-IBIG Regular Savings at 6-percent naman sa MP2.
Dagdag pa ni Del Rosario na ang mataas na divedendo ay pasasalamat at pagtulong sa mga kasapi ng Pag-IBIG Fund.
“Giving higher returns on members’ savings is part of our efforts to give the best benefit to our members, especially as they face economic challenges due to the ongoing pandemic, while ensuring the Fund’s sustainability and stability,” ani Del Rosario.
Samantala, paliwanag naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti na ang higher rates ay bunsod ng higher dividend pay-out ratio na pinagkasunduan ng Pag-IBIG Board.
Aniya, nais ng mga opisyal ng institusyon na mas bigyang tugon ang pangangailangan ng mga miyembro sa kabila ng 70-percent dividend sa annual net income ng ahensya ang nakasaad.
“Pag-IBIG Fund has always looked out for the wellbeing of our members. And when we perform well, it’s our members who benefit the most,” ani Moti.
Ito na ang ikalawang taon na umabot sa 92.15% ang highest payout ratio ng dividendo dahil sa pananatiling matibay ng financial position ng ahensya at paglago ng loan portfolio sa kabila ng pandemya.
Pinasalamatan din ni Moti ang mga kapwa opisyal ng Pag-IBIG Fund gayundin ang mga kasapi na nagtulungang mapalago ang institusyon.
“We, the Management, thank all members of the Board for recognizing the Fund’s efforts to maintain a stable Fund. We also recognize that the members themselves – their trust and confidence in the Fund’s programs – helped us deliver a great performance year after year. This is your Lingkod Pag-IBIG at work when you need us most,” saad ni Moti.