212 total views
Bukas ang Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development na makiisa sa Sanlakbay para sa ibibigay na kabuhayan sa mga drug surrenderers
Ayon kay Sen. Cynthia Villar, chairman ng komite, na makatutulong ang pagpapa – unlad ng agrikultura sa bansa sa poverty reduction lalo’t napapabilang ang mga magsasaka sa pinakamahihirap sa bansa.
Nakahanda aniya ang kanilang komisyon na tumulong sa Simbahan na magbigay ng pagsasanay sa larangan ng pagtatanim na maaring maging alternatibong mapagkakakitaan ng nasa 700 libong sumukong drug addicts at pushers.
“Of course, gusto nating mag – partner sa ating Catholic Church para tumulong. Kasi naniniwala kami na kapag nag – improve, nag develop at naging successful ang ating agricultural endeavors natin this is really the way to poverty reduction. Siguro talaga nga namang gusto ng ating Simbahan na makatulong sila na mabawasan ang kahirapan sa Pilipinas. So we can work together na we develop agriculture, because the poorest people are in agriculture,” bahagi ng pahayag ni Sen. Villar sa panayam ng Veritas Patrol.
Nabanggit rin ni Sen. Villar ang plano nilang paglulunsad ng holistic na “Farm Project” sa ika – 21 ng Oktubre sa Villar School Foundation sa mga drug surrenderees ng Las Pinas, Paranaque at Muntinlupa.
“First tuturuan silang mag – farming, para yun ang livelihood component. Tapos darating yung ating Las Pinas General Hospital, tutulungan naman sila sa kanilang mga health problems. At gusto ring mag – lecture yung other agencies lalo na yung mga pulis para malaman naman yung dapat nilang gawin for their safety. Dadalhin rin namin sila sa aming Las Pinas – Paranaque Critical Habitat para mag – volunteer sila sa environment,” giit pa ni Sen. Villars a Radyo Veritas.
Nauna na ring nagpahayag ng suporta ang AFFI o Association of Filipino Franchisers Incorporated sa proyekto ng Caritas Manila Restorative Justice Ministry na community based rehabilitation centers.
Magugunitang sinabi na rin ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na laging bukas ang pintuan ng Simbahan para sa mga nagsisising makasalanan.