552 total views
Pinuri ng Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ng Catholic Bishops’ Conference of the Philipipines (CBCP-ECCCE) ang pagsasabatas ng Republic Act No.11650 o “An Act “Instituting a Policy of Inclusion nd Services for Learners with Disabilities in Support of Inclusive Education Act”.
Ayon kay Bayombong Bishop Elmer Mangalinao – chairman ng CBCP-ECCCE, isang napakabuting hakbang para sa mga children and persons with disability (PWD) ang paglagda ng Pangulong Rodrigo Duterte sa batas na tutugon sa kanilang pangangailangan.
“Ito ay napakagandang gawain na move ng ating Presidente, ang Republic Act 11650 that institution on the policy of inclusion for the services our disabled children. Ito ay katanggap-tanggap at sa ikabubuti ng ating may mga kapansasn , batid naman natin na ang mga may kapansanan ay naisasantabi sa lipunan sabi nga’y nasa laylayan,” Ayon sa panayam ng Radio Veritas sa Obispo.
Ang RA No.11650 ay pinapatibay ang pagsasama sa mga PWD na maging bahagi ng basic education system sa bansa kasabay ng pagpapatayo ng mga pasilidad O Inclusive Learning Resource Center (ILRC) na naayon sa kapansanan at kapasidad ng isang pwd na matuto.
Inihayag ni Bishop Mangalinao na tutulungan din ng batas ang sektor sa pamamagitan ng pagkakaroon ng oportunidad tungo sa matiwasay na pamumuhay at maayos na trabaho na susuporta sa kanilang sarili at kanilang mga pamilya.
“Naniniwala ako na kapag sila ay natuto ng kaalamang para sa kanila higit nilang masusuportahan ang kanilang sarili at kung sila’y magkaka-pamilya na sila rin ay kayang-kayang suportahan ang kanilang magiging pamilya. The more they know, the more they will be able to go in life, and the more they learn the things that they have to know the better chances they have in forming, developing their future and their future families,” ayon pa sa Obispo.
Batid din ng Obispo ang kagalakan ng mga magulang at kaanak ng mga PWD kung kaya’t kaniyang ipinananalangin na naway matugunan pa at pag-ibayuhin ng pamahalaan ang pagbibigay ng pansin sa sektor ng mga PWDs.
“Ang dalangin ko ay ang mga magulang na may na anak na may kapansanan, palagay ko sila ang lubhang nasisiyahan sa paglagda ng pangulo sa batas na ito. Dalangin ko na sila lahat ay matugunan ang kanilang pangangailangan para maging mabuti, maging maayos at magiging matatag na mamamayan ng ating bansa” pagbabahagi pa ng Obispo.