Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 311 total views

3rd Sunday of Lent Cycle C

Ex 3:1-8.13-15 1 Cor 10:1-6.10-12 Lk 13:1-9

Hindi lang tayo nilikha ng Diyos at saka pinabayaan na. Nilikha tayo ng Diyos at patuloy siyang nakikipag-relate sa atin. Patuloy siyang nakikipag-communicate sa atin. Ginagawa niya ito kasi mahal niya tayo. Tinatawag ng Diyos ang ating pansin upang magkaroon tayo ng kaugnayan sa kanya.

Sa unang pagbasa natin, tinawag ng Diyos ang pansin ni Moises sa pamamagitan ng puno na nag-liliyab ngunit hindi nauupos. Nagtaka si Moises at na-curious siya. Pinuntahan niya ang puno na umaapoy at doon nagsalita ang Diyos sa kanya. Sa ating ikalawang pagbasa, sinulat ni San Pablo na tinatawag ng Diyos ang ating pansin sa pamamagitan ng mga pangyayari noon sa kasaysayan ng bayan ng Israel. Ang mga pangyayari sa Bibliya ay para sa atin, upang magbigay ng lessons sa atin. Sa ating ebanghelyo naman, sinabi ni Jesus na ang mga pangyayari sa buhay natin ay may mensahe na galing sa Diyos. Kaya, mga kapatid, ang Diyos ay gumagamit ng maraming paraan upang tawagin ang ating pansin at makipag-communicate sa atin.

Noong lumapit na siya sa punong nagliliyab, pinahayag ng Diyos kay Moises na alam niya ang nangyayari sa mga Israelita sa Egipto. Napakinggan niya ang kanilang mga daing sa pang-aalipin sa kanila at nakikita niya ang kanilang paghihirap. Kaya pinapadala niya si Moises sa kanila upang iligtas sila. Upang paniwalaan si Moises ng mga Israelita, binigay ng Diyos sa kanya ang kanyang pangalan. Siya ay si Yahweh, si AKO NGA, ang Panginoon, ang Diyos ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob. Hindi nilihim ng Diyos ang kanyang sarili sa atin. Sinabi niya ang kanyang pangalan. Hindi natin sinasabi ang ating pangalan sa basta kani-kanino lang, lalo na ang ating balak. Minsan kapag ako ang tinatanong, “Bishop, saan kayo pupunta?” Naiisip ko sa loob ko, ano ang pakialam mo! Pero alam naman natin na hindi talaga nag-oosyoso sa atin ang nagtatanong. Ito ay isang uri ng pagbati lang. Kaya kontento na sila sa sagot na “diyan lang” o “doon!” Pero ang Diyos ay nagpapaabot sa atin ng kanyang pangalan at ng kanyang balak. Balak niya
ay iligtas ang kanyang bayan at dalhin sa lupa na ipinangako niya sa kanilang mga ninuno.

At ang balak nga ng Diyos ay kaligtasan. Kaya dapat nating tingnan ang mga pangyayari na nakasulat sa Bible bilang mga aral sa atin upang tayo ay maligtas sa kasamaan. Kahit na matagal na ang mga pangyayari na nasulat sa Bible, at ito ay pangyayari sa mga tao na matagal nang nabuhay, ito ay may kahulugan pa rin para sa atin. Ang mga pangyayaring ito ay mga halimbawa sa atin. Huwag nating tularan ang masasamang ginagawa nila tulad ng pagrereklamo nila at hindi pagpapahalaga sa mga kababalaghan na ginagawa ng Diyos sa kanila. Kahit na napakain sila ng tinapay na galing sa langit at napainom ng tubig na galing sa bato, ang mga bangkay nila ay kumalat sa disyerto kasi mareklamo sila sa Diyos.

Ngayong panahon, dahil sa social communication at sa mass media, mabilis kumalat ang balita sa atin. Ano ang attitude natin sa mga balitang ito? Ito ba ay pinapakinggan lang natin at binabale wala na? Naaawa lang ba tayo sa mga tao na namamatay o nasusugatan? Sinisisi ba natin ang iba dahil sa mga pangyayari at sumasama ang loob natin? Sinasabi ni Jesus na ang mga balita ay mga paraan din ng Diyos upang mag-communicate sa atin. Ang mga ito ay hindi lang tungkol sa iba. Ito ay tungkol din sa atin. Noong panahon niya mayroong dalawang balita na kumalat sa mga tao. May mga taga-Galilea na pinapatay ni Pilato habang sila ay nagdadala ng kanilang handog sa templo. May labing-walong mga tao na nabagsakan ng tore sa Siloam sa Jerusalem. Bakit ba nangyari ang mga ito sa kanila? Dahil ba sa masasamang tao sila? Ayon kay Jesus ang mga pangyayaring tulad nito ay isang panawagan ng Diyos sa mga nakabalita nito na magsisi. Bigla-bigla ang mga pangyayari. Maaari ring mangyari ang mga ito sa atin. Kaya magsisi na tayo.

Wala tayong panahon na magpabaya. Ang kalagayan natin ay tulad ng isang puno na hindi namumunga sa talinhaga ni Jesus. Naghahanap ang may-ari sa atin ng bunga. Hindi lang sapat na nabubuhay tayo. May kabuluhan ba ang buhay natin? Ito ba ay namumunga ng kabutihan? Kung nandito pa tayo at hindi pa pinutol ang buhay natin, ito ay dahil nakikiusap lang si Jesus sa Ama na bigyan pa tayo ng pagkakataon at inaalagaan pa tayo ni Jesus. Pero dapat tayo ay mamunga na. We are just living on borrowed time. Nakiusap lang si Jesus para sa atin.

Ngayong mga tatlong linggo na ang nakaraan, ang laman ng mga balita ay tungkol sa Ukraine. Basta na lang sila ginera ng Russia. Dambuhalang bansa ang Russia na may maraming armas at mga soldado, at may mga nuclear bombs pa. Ang katabing bansa na Ukraine ay hindi kasing yaman at kasing armado ng Russia. Basta na lang itong sinalakay. Kawawa naman ang Ukraine. Aabot na sa tatlong milyon na mga Ukrainians ang lumilikas sa ibang bansa sa Europa. Kaya ang Santo Papa ay nanawagan na tulungan natin ang mga refugees. Kaya may second collection tayo sa misang ito para sa Ukraine. Nananawagan din ng panalangin si Papa Francisco. Ang buong simbahang katoliko ay magdadasal ng consecration ng Russia at ng Ukraine sa Kamahal-mahalang puso ni Maria sa March 25, ang Kapistahan ng Pagbati ng Arkanghel Gabriel kay Maria. Makiisa tayo sa ganitong dasal ng pagtatalaga.

Ang pangyayari sa Ukraine ay nananawagan sa atin na makiisa at makiramay sa mga biktima. Pero ito ay may mensahe rin sa atin sa Pilipinas ngayong naghahanda tayong pumili ng mga leaders natin. Maging maingat tayo sa dambuhalang kalapit na bansa natin. Maging maingat tayo sa Tsina. Huwag tayo basta-bastang magpapadala sa kanila. Hindi natin alam ang balak nila. Kaya, keep distance amigo! Kailangan natin ng leader ng ating bansa na may lakas ng loob na maninindigan para sa ating karapatan sa harap ng Tsina. May salita din ang Diyos sa atin sa pangyayari sa ating panahon ngayon.

Ang kuwaresma ay panahon ng paglapit sa Diyos. Siya ay nagmamahal sa atin. Palagi siyang nagpaparamdam sa atin at inaabot niya tayo. Suriin natin ang banal na kasulatan. Suriin natin ang mga pangyayari sa ating panahon. Sa mga ito nagsasalita ang Diyos sa atin. Basahin natin ang diaryo at basahin natin ang Bible. Pakinggan natin ang balita at pakinggan natin ang Bibliya. Huwag ipasabukas ang ating tugon sa Diyos. Baka wala nang bukas na darating. Mabilis ang mga pangyayari. Ngayon na ang panahon ng kaligtasan. Ngayon na tayo tumugon sa Diyos. If today you hear the voice of the Lord, harden not your hearts.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 38,690 total views

 38,690 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 53,346 total views

 53,346 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 63,461 total views

 63,461 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 73,038 total views

 73,038 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 93,027 total views

 93,027 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 5,907 total views

 5,907 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 7,004 total views

 7,004 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 12,609 total views

 12,609 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 10,079 total views

 10,079 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 12,127 total views

 12,127 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 13,455 total views

 13,455 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 17,701 total views

 17,701 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 18,129 total views

 18,129 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 19,189 total views

 19,189 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 20,499 total views

 20,499 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 23,228 total views

 23,228 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 24,414 total views

 24,414 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,894 total views

 25,894 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 28,304 total views

 28,304 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 31,580 total views

 31,580 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top