359 total views
Tiniyak ng Diocese of Kabankalan na kasama sila sa pagbangon ng mga naapektuhan ng Bagyong Odette sa kanilang nasasakupan.
Ito ang mensahe ni Kabankalan Bishop Loiue Galbines matapos ang isinagawang pagbabahagi ng mga shelter repair materials ng Caritas Philippines at Coca-Cola Foundation sa 246 na benepisaryo ng programa na naglalayong makatulong sa mga napinsala ng bagyo.
Ayon kay Bishop Galbines, isang biyaya mula sa Panginoon ang patuloy na pagmamalasakit na ipinapamalas ng Caritas Philippines at iba pang grupo ng Simbahan katuwang ang pribadong sektor.
“Kahit in our brokeness and the darkess moments sa aming experience sa Diocese, immediately the first na nagtulong sa amin ay ang Caritas Philippines kahit na hindi ko alam ang gagawin but with all the help coming from.We feel that we are not alone, we feel that we have hope, we feel that God loves us kasi makikita talaga ang concern [ng Simbahan] hindi lang sa mga houses kundi maging sa aming mga buhay,” pahayag ni Bishop Galbines
Nagagalak ang Obispo na sa kabila ng malungkot na karanasan ay hindi nawalan ng pananampalataya ang mamamayan at ang Simbahan ay naging simbolo ng inspirasyon para sa kanila.
“Building broken life, journeying with the broken people and their sufferings I think for me that is one of the mission that Christian should do. it may not be immediate solution but you know going to a broken hearted person, a person that feel they are alone and no one can help them I think that is what presence is all about the of God coming to them through us,” dagdag pa ng Obispo sa panayam ng Radyo Veritas.
Magugunitang isa ang Negros Occidental sa mga pinaka-naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Odette mahigit tatlong buwan na ang nakakalipas.
Kaugnay nito, nagpapasalamat si Bishop Galbines sa mga patuloy na nagbabahagi ng kanilang tulong tulad ng NASSA-Caritas Philippines na naka-agapay sa kanilang shelter rehabilitation program at iba pang programa para sa mga mahihirap.
“NASSA [Caritas Philippines] gives us hope that God never abandoned us,” mensahe ng Obispo ng Kabankalan.
Batay sa datos ng NDRRMC umabot sa 2.5 milyong pamilya ang naapektuhan ng bagyo partikular na sa Visayas at Mindanao.