367 total views
Nagsampa ng kaso sa Court of Appeals at Supreme Court ang mga makakalikasang grupo laban sa 1,200 Megawatt coal project ng Atimonan One Energy (A1E) ng Meralco sa Atimonan, Quezon.
Kabilang sa mga nagsampa ng kaso ang Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ), katuwang ang Kabataan para sa Kalikasan ng Atimonan (KAPAKANAN) at mga miyembro ng Quezon for Environment (QUEEN), at ang Center for Energy, Ecology, and Development (CEED).
Ayon kay Bianca Opalda Manansala ng KAPAKANAN, marami nang pag-aaral ang nagsasabing ang karbon ay magastos, hindi maaasahan at lalo lamang magdudulot ng pinsala sa kalikasan.
“Hindi dapat payagan ang mga mapanirang proyekto gaya ng proposed 1200 MW coal fired power plant sa Atimonan. Bakit pa magdadagdag ng panibagong planta? Ang pagtutol na ito ay aming ginagawa para sa aming kinabukasan,” pahayag ni Manansala.
Sinabi ni QUEEN Convenor at Diocese of Lucena Ecology Ministry Director Father Warren Puno, na ang pagsasampa ng kaso sa C-O-A at S-C ay upang matiyak na hindi maipagpatuloy ng A1E ang proyekto dahil sa iba’t ibang paglabag.
Nagpahayag rin ng pakikiisa ang P-M-C-J sa komunidad ng Atimonan laban sa mga mapaminsalang coal-fired power plants na nakadaragdag sa paglala ng climate crisis, maging ang maidudulot nitong panganib sa kalusugan ng mga tao.
Naninindigan din ang C-E-E-D na ang mga nangyayaring krisis sa kalikasan at klima ng daigdig ay nangangahulugang wala nang puwang para magtayo ng mga coal-fired power plants.
“Continued use of coal also means continued exposure of affected communities to pollution from its operations,” pahayag ng CEED.
Batay sa pagsusuri ng Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC) at Centre for Research on Energy and Clean Air (CREA), umaabot sa 66,000 ang naitatalang premature deaths mula sa mga non-communicable disease at lower respiratory infections kada taon na may kaugnayan sa polusyon.
Nasasaad din dito na aabot naman sa P4.5 trillion ang kabuuang halaga ng nagagastos ng bansa dahil sa air pollution.
Una nang hinimok ni Pope Francis sa kanyang Laudato Si’ ang mga mambabatas na lumikha ng polisiyang magtatakdang palitan ng renewable energy ang mga fossil fuels upang tuluyan nang mawala ang lubhang mapaminsalang emissions na nagmumula sa pagsusunog sa mga fossil fuels.