481 total views
Nagkaisa ang mga unibersidad at kolehiyo sa bansa sa pananawagan sa mga kandidato sa pagkakaroon ng kongkretong education agenda.
Sa pamamagitan ng isang pahayag, ay nagkaisa ang Philippine Association of Colleges and University (PACU), Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP), Philippine Association of Private Schools, Colleges, and Universities (PAPSCU) at Unified TVET of the Philippines (UniTVET) sa pananawagan sa mga kandidato sa pambansa at lokal na posisyon sa pamahalaan na tutukan ang kalagayan at sistema ng edukasyon sa bansa.
Ipinaliwanag ng grupo na kabilang ang education sector sa pinaka-naapektuhan ng COVID-19 pandemic na nagdulot ng malawakang krisis at pagbabago hindi lamang sa sistema ng edukasyon sa kundi maging sa pangkabuuang kalagayan ng buhay at pang-ekonomiya sa Pilipinas.
“We jointly issue this call to all Presidential, national and local candidates in the May 9, 2022 elections to present a strong education agenda as a matter of highest priority. Like in many countries worldwide, the Philippine education sector is among those that have suffered their hardest blows since the COVID-19 pandemic began to cause severe and extensive damage to our economy.”nagkakaisang pahayag ng mga grupo ng mga unibersidad at kolehiyo sa bansa.
Ayon sa grupo, ang pagkakaroon ng kongkretong plataporma at education agenda sa bansa ang isa sa pinaka-epektibong paraan upang matugunan ang malawakang krisis na naidulot ng pandemya hindi lamang sa larangan ng ekonomiya kundi maging sa health care system at labor sector ng bansa.
Tinukoy ng grupo na dapat tugunan ang learning crisis ng mga mag-aaral; ang sistema ng edukasyon sa tinaguriang new normal dahil sa pandemya; pagbubuo sa mga regulasyon para sa pagkakaroon ng schools and academic freedom ng mga mag-aaral sa kolehiyo at unibersidad; ang higit na pagbibigay ng tulong at suporta sa mga guro; at ang pagpapalakas sa partisipasyon ng pampubliko at pribadong sektor sa sistema ng edukasyon sa bansa.
“To truly address our country’s urgent problems, particularly the economy, poverty, health, unemployment, and peace, we firmly believe that a strong education agenda would be vital in resolving them. We, therefore, need to engage our aspiring government leaders, especially the Presidential candidates, in their concrete agenda for education as we come closer to the May 9, 2022 elections.” Dagdag pa ng grupo
Batay sa pinakahuling ulat ng United Nations Children’s Fund (Unicef), 85-porsyento ng mga Filipinong mag-aaral edad 10-taong gulang ang hirap sa pagbabasa.
Naunang binigyang diin ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education na malawak ang naging epekto ng pandemya sa sektor ng edukasyon sa bansa dahil marami ang hindi handa sa blended learning.