603 total views
Hinimok ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo si presidential aspirant Ferdinand ‘Bong-Bong’ Marcos Jr. na samantalahin ang pagkakataon upang linisin ang pangalan ng pamilya Marcos.
Ito ayon sa obispo ay sa pamamagitan ng pagtatama ng mga pagkakamali na nagawa ng kaniyang ama- ang dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
“You want to clear your family’s name? Do it right honestly and sincerely. If no, even your great-grandchildren will be haunted by a past they did not make or choose, by the past you so stubbornly chose to cover up,” ayon kay Bishop Bagaforo sa post na matatagpuan sa Facebook page ng Caritas Philippines.
Sinabi ng obispo na kung nais ni Marcos Jr. na linisin ang pangalan ng pamilya ay gawin ito ng taos puso at may katapatan.
Nangangamba si Bishop Bagaforo na manahin pa ng kaniyang mga anak at kaapo-apuhan ang bahid ng katiwalian na ipinupukol sa pamilya kung hindi ito maitatama.
Taong 1986 nang patalsikin sa bansa ang pamilya Marcos nang sa mag-aaklas ng mamamayang Filipino laban sa diktadurya ni Ferdinand Sr. na naging pangulo ng Pilipinas sa loob ng 21 taon.
Mainit din sa kasalukuyan ang panawagan sa pamilya Marcos ang utang na buwis sa pamahalaan na umaabot na sa 203 billion pesos.
Si Marcos Jr., ay ang running-mate ng presidential daughter na si Sara Duterte na tumatakbo naman bilang pangalawang pangulo ng bansa sa nalalapit na 2022 National and Local Elections.