807 total views
Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Diocese of Imus hinggil sa kondisyon ni Father Leoben Peregrino.
Ayon kay Bishop Reynaldo Evangelista, kasalukuyan pa ring nagpapahinga si Fr. Peregrino sa isang ospital sa Cavite.
“Fr. Peregrino, who was missing on the 1st of April, 2022, Friday and was found alive in Silang, Cavite on April 3, 2022, Sunday is now in stable condition. He is currently recuperating in a medical facility in the Province of Cavite,” pahayag ni Bishop Evangelista.
Umaasa naman ang diyosesis, maging ang mga kaanak ni Fr. Peregrino sa mga pulis na nawa’y maging maayos ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa nangyari sa pari.
“Pertinent to the case, the Diocese of Imus and the Peregrino family trust the competence of various government agencies especially the Philippine National Police (PNP) in charge of the investigation that they will come up with the comprehensive report on that matter,” ayon sa pahayag.
Nagpapasalamat din ang diyosesis sa mga patuloy na nagpapaabot ng panalangin para sa kaligtasan ni Fr. Peregrino
Si Fr. Peregrino o mas kilala bilang Fr. Phem ay ang kasalukuyang rektor at kura paroko ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Most Holy Rosary – Reina de Caracol sa Rosario, Cavite.
Natagpuang buhay ang pari sa loob ng isang sasakyan habang nakatali ang mga kamay at leeg na agad namang tinulungan ng mga residente ng Barangay Lumil, Silang, Cavite.