511 total views
Nanawagan ang kinatawan ng Santo Papa Francisco sa Pilipinas sa mga Pilipino na samantalahin ng ang Holy Week upang ganap na makapaghanda sa paggunita ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.
Hinimok ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang mananampalataya na suriin ang sarili, magsisi sa kasalanan at magbalik-loob sa Panginoon upang maging karapat-dapat sa pagtanggap ng biyaya ng muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus.
“Lenten season of course is a preparation for the beautiful Feast of Easter, it’s a time in which we try to moderate even our intake of food by fasting, by abstaining from meat on Fridays, by praying more this is a preparation so that when we arrive at Easter, we arrive with hearts and minds renewed and purified.”pahayag ni Archbishop Brown sa panayam sa Radio Veritas.
Inihayag ng Arsobispo na naaangkop na pagkakataon rin ang paggunita ng Kwaresma at Semana Santa upang ipanalangin at hilingin ang paggabay ng Panginoon sa bawat isa sa nakatakdang halalan sa bansa.
Pinayuhan ni Archbishop Brown ang mamamayan na pagnilayan sa paggunita ng holy week ang napakahalagang desisyon sa ihahalal na lider ng bansa at bilang isang responsableng mamamayan.
“It’s the period also in which we getting close to elections in the Philippines it’s the time in which we can pray for God’s guidance in making a good decision as voters and responsible citizens in this country.” Dagdag pa ni Archbishop Brown.
Magugunitang nasasaad sa pinakabagong liham pastoral ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) tungkol sa Halalan 2022 na may titulong “Be Concerned about the Welfare of Others” ang hamon na pagmalasakitan ang kapakanan ng kapwa sa pamamagitan ng matalino at mapanuring pagboto sa ika-9 ng Mayo 2022.
Nagsimula ang apatnapung araw na paghahanda ng Simbahan para sa Mahal na Araw at Pasko ng Muling Pagkabuhay noong ika-2 ng Marso 2022 o Miyerkules ng Abo (Ash Wednesday).