434 total views
Magpapadala ang Caritas Manila ng 400-thousand pesos na tulong sa Archdiocese of Capiz at Diocese of Maasin.
Ayon kay Rowel Garcia – Disaster Communication Partner nang Radio Veritas sa Caritas Manila, hahatiin sa tig 200-thousand pesos ang matatanggap ng Capiz at Maasin.
Ito ay kagyat na tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Agaton sa mga nasalantang mamamayan sa Capiz at Leyte na sakop ng Diyosesis at Arkidiyosesis.
“CARITAS MANILA will release financial assistance to Agathon affected Dioceses within today. Initial amount is P200k for Capiz and Maasin,” ayon kay Garcia.
Ibinahagi naman ni Palo Archbishop John Du ang paghahanda ng kaniyang nasasakupang Arkidiyosesis ng relief assistance sa mga binaha at kinailangang lumikas.
“Our people in Abuyog affected by the typhoon Aharon. Rain is very heavy causing flooding to the town of Abuyog. The water in the church proper is up to the waist. We are now preparing reiief goods and food to distribute but difficult to enter due to the water still high,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Arsobispo sa Radio Veritas.
Batay sa pag-uulat nang kokal na pamahalaan ay nakaranas nang pagbaha at landslide ang katimugang bahagi ng Leyte- higit na sa lungsod ng Baybay kung saan hindi bababa sa tatlumpu ang naitalang nasawi nang dahil sa pananalasa ng bagyo.
Ayon naman sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), labing-anim na munisipalidad sa Capiz ang nakaranas ng pagbaha.
Sa pananalasa ng bagyong Odette noong Disyembre 2021 ay umabot sa apatnaput-pitong milyong piso ang naipamahagi ng Caritas Manila bilang disaster relief sa may tatlumput-walong libong mga pamilya na lubhang naapektuhan ng kalamidad.