346 total views
Nagpaabot ng pagbati ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga bagong abogado ng bansa.
Kaisa ang Cardinal sa pagbubunyi sa tagumpay na nakavmit ng mga bar passers kasama ang Kani-kanilang pamilya.
“Congratulations to all who passed the Bar examinations! Together with all who supported your studies and encouraged you in your review, we rejoice in your triumph and achievement,” pahayag ni Cardinal Advincula sa panayam ng Radio Veritas.
Ayon sa arsobispo magandang pagkakataon ang pahahayag ng resulta ng bar examination sapagkat ginuginita ng sambayanang kristiyano ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo na isang paalala sa bawat isa na itaguyod ang makatao, makatotohanan at makatarungang lipunan.
“During these days (Paschal Triduum) , let us behold Jesus showing humanity where true power and authority lie. Not in domination but in loving service and self-oblation,” ani ng cardinal.
Sa kalalabas na resulta ng bar examination 8, 241 ang pumasa mula sa mahigit 11, 000 kumuha ng pasulit sa kauna-unahang digitalized-bar examination.
Sa nasabing bilang 761 ang kinilala sa exemplary performance o mga nakakuha ng 85 to 90 percent ng marka sa pasulit o halos sampung porsyento sa kabuuang bilang sa mga pumasang abogado.
Dalangin ni Cardinal Advincula sa mga bagong abogado ng bansa na itaguyod ang makatarungang lipunan batay sa sinasaad ng konstitusyon.
“We pray that the conscientious exercise of your legal profession may be an expression of your gratitude to God and your love for our country; It is our prayer that you will add honor to your success. Whether you are defending the vulnerable or advising the powerful, may you help craft what we enshrined in our venerable Constitution: “a just and humane society.” ayon pa kay Cardinal Advincula.