Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 358 total views

Homiliya para sa Biyernes Santo, ika-15 ng Abril 2022, Jn 18:1-19:42

Ang maging Kristiyano ay maging alagad ng KATOTOHANAN. Ito ang implikasyon ng sagot ni Hesus kay Pilato: “Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa sanlibutan: upang magsalita tungkol sa katotohanan.” At sabi pa niya, “Ang nakikinig sa aking tinig (ibig sabihin, ang mga tagasunod o alagad ko) ay sinumang nasa katotohanan.” (Jn 18:37b)

Mukhang tinamaan si Pilato sa sinabi niya. Biglang naging defensive siya. Sabi niya, “Ano ba ang katotohanan?” (Jn 18:38) Nasabi ko na sa inyo sa mga nakaraang araw na alam din naman ni Pilato ang katotohanan; ang problema lang ay hindi niya ito mapanindigan, kaya siya naghugas-kamay.

Alam niyang hindi totoo ang mga akusasyon laban kay Hesus—na siya ay kasabwat ng mga rebeldeng grupo na gustong magpabagsak sa kapangyarihan ng Roman empire sa mga Hudyo. In short, na-redtag siya. (Noong kasagsagan ng EJK, drug-tagging naman ang uso.)

Siguro kaya Red ang kulay ng Biyernes Santo. Paalala din ito na ang ikinamatay ni Hesus sa krus ay red-tagging. May kinalaman sa pulitika, masamang klaseng pulitika. Hindi naman masama ang pulitika mismo. Tulad ng madalas sabihin ni Pope Francis—ang pulitika ay mahalagang sangkap ng lipunan para sa ikabubuti ng nakararami, hindi ng iilan. Nagiging masama lang ang politika kapag hinahayaan natin na mapasakamay ito ng mga taong hindi ang “common good” ang hangarin kundi pansariling mga interes o kapakanan.

Isa na yata sa pinakamatandang stratehiya ng mga tiwaling pulitiko ay ang pagrered-tag. Katulad ng nauuuso na naman ngayon. Tingnan mo yung katulad ni Doc Naty. Siyempre dahil napakatalino at napakagaling na duktor, dahil titulado, mataas ang credentials at pwedeng yumaman sa pagduduktor, suspetsado kaagad siya porke’t pinili niyang sa mga dukha sa mga liblib na baryo magsilbi bilang duktor. Sabi nga ng isang madre, “Ba’t ba ganyan, porke’t nagsi-serve sa mga dukha, komunista kaagad? Di ba pwedeng ‘Kristiyano’ muna?”

Ganyan din ang pagrered-tag na ginawa kay Hesus. Organizer daw kasi siya ng mga poor fishermen sa Galilea, naglalagi pa siya sa mga liblib na lugar tulad ng mga disyerto at bundok, at related pa siya sa isang kilalang aktibistang propeta na si Juan Bautista at maanghang din magsalita. Ayun, subersibo daw.

Kaya nilagyan siya ng karatula sa ibabaw ng ulo niya nang ipako siya sa krus. Isinulat pa daw sa tatlong linggwahe ang paratang laban sa kanya para maintindihan ng marami: sa Hebreo, Latin at Griyego. Parang babala: Huwag pamarisan kung ayaw n’yong mangyari din ito sa inyo. Ang INRI ay walang ipinagkaiba sa mga isinasabit din noon ng mga nakabonnet na pumapatay sa mga nasa listahan ng drug watch list. Siyempre, pag nakita ang karatula—tatahimik na lang ang tao at sasabihin—okey lang siguro, tutal salot naman ng lipunan ang pinatay.

Ayon sa mga ebanghelista alam naman ni Hesus na ito ang pwedeng maging kahihinatnan niya kung gagayahin niya ang mga sinaunang propeta, kung siya’y magsasalita tungkol sa katotohanan. Ang pinsan nga niyang si Juan Bautista, dahil hindi mapatahimik ang bibig niya, pinapugutan siya ng ulo ng gobernador na si Herodes. Delikado pala talaga ang maging alagad ng katotohanan. Mayroong kasing masasaktan o masasagasaan.

Ano ba ang katotohanan? Tanong ni Pilato? Tanong na hindi na naghintay ng sagot. Parang may kaunti pang natitirang integridad sa kanya noong lumabas siya at humarap sa mga nagpaaresto kay Hesus. Kumbaga sa Piskalya, sinabi niya na wala siyang makitang “probable cause” para bitayin ang taong ito. “Baka naman makukuntento na kayo kung ipapahagupit ko na lang siya?” Pero hindi e; kamatayan talaga ang gusto nila para sa kanya.

Mabigat daw ang loob ni Pilato. Mukhang kumbinsido ang mga tao sa sarili nilang katotohanan at desidido sila na palitawing si Hesus ang tunay na tulisan imbes na si Barabas. Noong panahon na nagsisimula pa lang at sumisikat ang pulitika ng mga Nazi sa Germany, sinabi daw ng propagandista ni Hitler na si Goebbels, “Ang kasinungalingan, kapag inulit mong minsan ay kasinungalingan pa rin. Pero ulitin mo nang libong beses nagiging katotohanan ito.” Mas lalong nagiging totoo ito sa panahon ng social media. Di ba mas mabilis magviral ang fake news kaysa sa totoo? Tanungin mo ang mga Russians kung totoo bang may giyera sa Ukraine, sasabihin nila, “Propaganda lang iyan.”

Kaya daw pala ang bilis nakuha ang boto ng nakararami sa korte ni Pilato. Naidaan kasi sa lakas ng sigaw. Pinagkaisahan nila ang hindi totoo. Kaya pati si Pilato, na-pressure na pagbigyan na lang sila. Ganoong tipo naman ng tao ang hanap ng Roman empire na mamuno sa bayan nila—iyung tipong magpapakatuta sa kanila. Iyung tipong magsasabing, “Kapag pinalaya mo ang taong iyan hindi ka kaibigan ng Roman emperor.” Kaya biglang natakot si Pilato na baka makalaban pa niya ang mga ito at mawalan siya ng kapangyarihan. Malakas talaga ang hatak ng pera at kapangyarihan.

Kahapon nabasa ko ang ibinigay na homiliya ng Heswitang pari na dating presidente ng Ateneo de Manila tungkol sa hatak ng pera. Ang focus ng reflection niya ay ang tatlumpung pirasong pilak na ibinayad kay Hudas. Iyun lang daw ang kapalit na presyo ng ating kaluluwa at pagkawala ng pag-asa. Hanggang ngayon marami pa rin daw ang mga manggagantso na mahusay magkamit ng kapangyarihan sa pamamagitan ng tatlumpung piraso ng pilak.

Nasisikmura nila na ibulsa ang tatlumpung pirasong pilak, basta’t ang katuwiran ay—nabibigyan naman nila ng kaunting barya ang mga mahihirap. Sasabihin nila, “Bakit, ako lang ba ang gumagawa nito? Ito naman talaga ang kalakaran, di ba?” Kaya malakas ang loob nilang sumagot sa Panginoon na nakakakita ng lahat, “Hindi naman siguro ako, di ba, Panginoon?”

Ikinuwento rin ni Fr. Jett na minsan habang nasa traffic siya, kinatukan ng isang batang babaeng nagbebenta ng sampaguita ang bintana ng kotseng minamaneho niya. Tinuro daw ni Fr. Jett sa bata ang mga bulaklak na nakasabit na sa may rearview mirror ng kotse, para sabihin, “Thank you, anak, may bulaklak na ako e.” Pero nangulit pa rin ang bata. Kaya dumukot siya ng ilang pirasong barya para ibigay sa bata. Hindi na niya binilang ang barya. Binigyan daw siya ng bata ng dalawang tali ng sampaguita, at pagkatapos, isinauli ng bata ang isang barya. Sabi daw ng bata, “Sobra po ang binigay ninyo, may sukli pa kayo.”

Ang lakas daw ng dating kay Fr Jett ng pagsosoli ng bata ng kapirasong barya na wala namang kuwenta sa kanya. Sabi niya, “Ito’y barya ng katotohanan. Barya ng katapatan. Isang maliit na barya mula sa puso ng bata na kahit dukha ay may integridad. Isinosoli para ipaalala sa atin na may napapako sa krus kapag nagpasilaw tayo sa tatlumpung pirasong pilak.”

Naisip daw ng pari ang tindi ng halaga ng kapirasong baryang iyon. “Sapat na para bilhin ang tunay na mahalaga—prinsipyo sa buhay. Bilhin ang pagkamuhi sa pandaraya ng mga taong nagpapasasa sa hindi nila pinagpaguran, dahil madali lang naman ang mangulimbat mula sa pinagpawisan ng mga taong tunay na nagtatrabaho.”

Kapirasong barya daw na “kayang bumili ng lakas-ng-loob. Dahil importante ang katapangan para harapin ang mga halang-ang-bituka dito sa mundo, mga tipong kayang magsinungaling na hindi kumukurap para lang makamit ang kapangyarihan.”

Kapirasong barya lang daw ay “sapat na para bigyan tayo ng pag-asa. Pag-asang kaloob ng isang munting tindera ng sampaguita sa kalsada, na magsusukli pa rin sa iyo kahit kakarampot lang ang ibinigay mo—dahil iyon ang tama.”

Tinapos ng pari ang mensahe niya sa isang hiling—sana daw “huwag tayong maligaw ng landas dahil lamang sa tatlumpung pirasong pilak na patuloy na nagpapalit-kamay magpa-hanggang ngayon.” “Alam natin,” aniya, na “matatagpuan nating muli ang ating puso, kahit sa kapirasong barya ng katapatan. Na matatagpuan natin ang ating pag-asa sa dalawang pirasong barya ng babaeng balo, dahil nakikita ng Diyos ang lahat, kahit ang kapirasong baryang isasauli sa iyo ng isang batang tindera ng sampaguita habang ikaw ay papauwi.”

Ang katotohanan ay parang kaunting barya din. Hindi nakikita ng nabubulagan ngunit naipapakita ng Diyos sa takdang panahon. Sa dulo ng kuwentong binasa natin sa ebanghelyo, may dalawang taong tagahanga ni Hesus—matagal nang nakikinig sa kanyang mga turo ngunit patago. Alam nilang katotohanan ang pahayag ni Hesus ngunit takot silang lumantad dahil siguro dumaan na rin sa palad nila kahit papaano ang tatlumpung pirasong pilak.

Sa sandaling iyon, matapos nilang masaksihan ang pagbitay kay Hesus sa krus, lumakas ang loob nila. Humarap si Jose ng Arimathea kay Pilato para humingi ng pahintulot na makuha ang bangkay ni Hesus. Gayundin si Nicodemo, na dati-rati’y sa gabi lang dumadalaw kay Hesus. Ngayon lumabas siya sa liwanag para isigaw sa mundo na alagad na rin siya ng katotohanan. Pinagpalit niya ang tatlumpung pirasong pilak ng kapangyarihan sa munting barya ng katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 16,950 total views

 16,950 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 31,606 total views

 31,606 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 41,721 total views

 41,721 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 51,298 total views

 51,298 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 71,287 total views

 71,287 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,046 total views

 7,046 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,176 total views

 9,176 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,175 total views

 9,175 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,177 total views

 9,177 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,173 total views

 9,173 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,045 total views

 10,045 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,247 total views

 12,247 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,280 total views

 12,280 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,634 total views

 13,634 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 14,730 total views

 14,730 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 18,938 total views

 18,938 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,657 total views

 14,657 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,026 total views

 16,026 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,288 total views

 16,288 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 24,981 total views

 24,981 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top