507 total views
Kinilala ng opisyal ng Vatican ang Radio Veritas 846 sa pagiging katuwang ng Simbahan sa paghahatid ng misyon ng Panginoon sa sambayanan.
Ayon kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng media arm ng Archdiocese of Manila sa misyon ng Simbahan.
“Radio Veritas is faithful to its mission of proclaiming the truth even the in the most challenging and difficult circumstances,” pahayag ni Archbishop Brown sa Radio Veritas.
Sinabi ng Nuncio na bilang Radyo ng Simbahan ay ginagampanan nito ang natatanging misyon sa ebanghelisasyon sa bansa lalo’t ipinagdiwang nito ang ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo.
Batid ng kinatawan ni Pope Francis ang ginampanan ng Radio Veritas nang manindigan ito noong Martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na naging daan upang magtipon ang mamamayan sa EDSA kasunod ng panawagan ni noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin.
Hamon ng Nuncio sa pamunuan ng Radio Veritas na patuloy itaguyod ang katotohanan ayon sa sinasaad ng ebanghelyo ng Panginoon.
“Let us pray that Radio Veritas will always be faithful to its mission of transmitting the truth in our own time and into the future,” ani Archbishop Brown.
Samantala pinuri rin ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang himpilan sa paghahatid ng Mabuting Balita sa pamayanan gamit ang iba’t ibang uri ng media platform.
Sa pagdiriwang ng ika – 53 anibersaryo ng Radio Veritas Asia at Radio Veritas 846 pinalawak nito ang mga plataporma kung saan mapapanuod ang mga programa ng himpilan bukod sa radyo at social media mapapanuod na rin ang Radio Veritas 846 sa Veritas TV sa Sky Cable 211.