406 total views
Binati at ikinagalak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga nakapasa sa 2022 bar exams.
Ayon kay Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education Chairman, lubhang nakikiisa hindi lamang ang Simbahang Katolika kundi pati na rin ang buong Pilipinas sa mga nakapasa sa bar exams.
“I knew that everybody rejoices with you in your great accomplishment. Your sacrifices paid off. Your grit and determination pulled you through,” ayon sa ipinadalang mensahe ng Obispo sa Radio Veritas.
Panalangin ng Obispo na ang mga magpapatuloy bilang abogado na gamitin ang kanilang propesyon upang mapabuti ang kabuuan ng Pilipinas.
Ito ay sa pamamagitan ng patuloy ng paghahangad ng kabutihan at laging paghahangad ng ikabubuti ng nakakarami.
“We pray that your being LAWYERS will make our world, our country in particular, even better. We hope that your knowledge of the law and your expertise on it WILL benefit the most in need of our society. You are so much blessed. May you take this to heart . . . that you may live from now on THINKING and DOING good for others,” pagbabahagi pa ng Obispo.
Mensahe naman ni Bishop Mangalinao sa mga hindi nakapasa na huwag mawalan ng pag-asa dahil hindi ang kakatapos lamang na bar exams ang huling pagkakataon upang maging abogado.
Ayon sa Obispo, nawa’y patuloy na gamiting inspirasyon ng mga nais maging abogado upang patuloy na magpursige sa buhay dahil na rin umpisa lamang ang unang beses na pagkuha ng bar exams sa mga nakahandang oportunidad na inihahanda ng Diyos para sa bawat isa.
“For those who did not make it… COURAGE to accept the result. We might not like it nor are prepared for it. But acceptance helps us bounce back. This is not the END but simply a BEND towards a greater height for the next opportunity. Failing is part of life Nd it gives us room for growth,” pagbabahagi pa ng Obispo.
Sa kalalabas na resulta ng bar examination, 8,241 o 72.28% ang pumasa mula sa higit 11,000 na kumuha ng pagsusulit sa kauna-unahang digitalized-bar examination.