520 total views
Ito ang payo ni incoming Archdiocese of Ozamiz Bishop Martin Jumoad sa Tsina matapos na ihayag ni Agriculture Secretary Manny Pinol na bubuksan ng naturang bansa ang shipments nito mula sa dalawampu’t pitong blacklisted fruit exporters bilang regalo kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Positibo si Bishop Jumoad sapagkat lalago ang kita ng nasa 11 milyong magsasaka at 9-milyong mangingisda sa bansa na magsusuplay ng pagkain at produkto sa halos 1.3 bilyong populasyon ng China.
“In terms of our products kasi may bibili na sa ating produkto ang importante lang ‘fair trade.’ There should be that the economy will be able to enjoy the fruits of the earth. Itong Pilipinas at China kailangan walang maging dehado, kailangan may respeto pati nobody will fool one another. Nobody will unfairly treat one another, kailangan may just and fair trade,” pahayag ni Bishop Jumoad sa panayam ng Veritas Patrol.
Inaasahan naman ang pagbisita ni Pangulong Duterte sa Beijing, China mula ika – 20 hanggang ika – 21 ng Oktubre kung saan haharap ang pangulo sa halos 600 delegado mula sa mga pribadong kumpanya, negosyante at institusyon ng dalawang nasabing bansa upang patatagin pa ang pakikipag – kalakalan nito sa Tsina.
Nauna na ring binanggit ng Kanyang Kabanalan Francisco na sa anumang uri ng kalakalan dapat namamayani ang kabutihang pangkalahatan o common good upang maiwasan ang giringan ng mga bansa sa karatig rehiyon at kawalang – katarungan sa kalakalan.