Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Authentic power is service

SHARE THE TRUTH

 185 total views

Mga Kapanalig, isa sa mga sikat na pangaral ni Pope Francis ay ang sinabi niya sa isang homilya na “authentic power is service.”

Ang tunay na kapangyarihan ay paglilingkod. Ang sinumang may tàngang kapangyarihan ay dapat na inuuna ang pagtatanggol sa kanyang mga pinaglilingkuran, lalo na ang mahihirap, mahihina, at isinasantabi. Sila ang mga inisa-isa sa Ebanghelyo ni San Mateo 25:31-46 na magiging batayan ng huling paghuhusga sa atin: ang mga nagugutom, mga nauuhaw, mga dayuhan, mga walang kasuotan, mga maysakit, at mga bilanggo. Tunay ang paglilingkod ng mga may kapangyarihan kung tunay ang pag-ibig nila sa mga taong pinakanangangailangan ng pagtatanggol.

Ilang tulog na lang, pipili na tayong muli ng mga lider ng ating bansa. Nakalulungkot—bagamat inaasahan na natin—na habang papalapit ang araw na ito, mas tumitindi ang bangayan at batuhan ng putik ng ilang nagpiprisentang maging bagong mga pinuno ng ating bayan.

May mga kandidatong pinaaatras ang kanilang kalaban dahil sila raw ang mas karapat-dapat na piliin ng mga botante. Bukambibig nila ang “pagkakaisa” samantalang inuubos nila ang kanilang lakas at oras sa pagbatikos sa kanilang kalaban, habang tikom naman ang kanilang mga bibig sa mga maling ginagawa at pagsisinungaling ng iba pang tumatakbo. Sa halip na ilantad ang katotohanang dapat malaman ng publiko, tila ba nagiging kasabwat pa sila ng mga nagtatago ng kung ano ang totoo at ng mga nakikinabang sa katiwalian sa pamahalaan.

Anong uri ng kapangyarihan ang nais makamit ng mga pulitikong hindi pinahahalagahan ang katotohanan?

May mga kandidato namang kampante na sa kanilang popularidad kahit pa wala silang konkreto at malinaw na tugon sa mga isyu ng bayan. Naghihintay na lamang daw sila ng araw ng kanilang pagbabalik sa poder. Hindi na raw nila pag-aaksayahan ng panahon ang mga debate at talakayan kung saan mailalahad nila ang kanilang mga plano. Hindi na nila sasagutin ang mga nagtutuwid sa mga kasinungalingang ikinakalat nila. Ang mahalaga para sa kanila, maraming tao ang napaniwala at naloko nila. Ang mahalaga para sa kanila, nasa kanilang likod ang mga maimpluwensya at may pera, kahit pa napatunayang nagnakaw ang mga ito noong sila ay nasa posisyon pa.

Anong uri ng kapangyarihan ang hangad ng ganitong mga pulitikong hindi sineseryoso ang layunin ng pulitikang maglingkod sa mga tao?

Sa huli, nasa ating mga kamay bilang mga botante ang kapangyarihang pumili ng mga taong hindi lamang mamamalakad ng pamahalaan kundi gagamitin ang pamahalaan upang paglingkuran ang bayan. Sa atin nagmumula ang kapangyarihan ng sinumang uupo sa pamahalaan, kaya marapat lamang na gamitin nila ito upang maglingkod. Sabi pa nga ni Pope Francis, “Only those who serve with love are able to protect!” Ang mga naglilingkod nang may pag-ibig ay ang mga taong kaya tayong ipagtanggol.

Sa iyong mga napupusuang iboto, masasabi mo bang pag-ibig sa mga Pilipino ang tunay na nag-uudyok sa kanilang maghangad ng posisyon sa pamahalaan? Paano mo masasabing paglilingkod sa bayan, lalo na sa mahihina at isinasantabi sa lipunan, ang tunay nilang hangarin? Sinu-sino ang mga tunay na sumusuporta sa mga kandidato mo—ang mga ordinaryong mamamayan bang dapat paglingkuran ng mga lider o ang mga tiwali at maykayang gagamitin ang kapangyarihan ng mga lider para sa pansarili nilang interes?

Mga Kapanalig, may ilang araw pang natitira upang suriin at pagnilayan nating mabuti kung sinu-sino ang mga pangalang mamarkahan natin sa balota. Kung naniniwala tayo sa sinabi ni Pope Francis na “authentic power is service,” tingnan natin kung sinu-sino ang tunay na maglilingkod gamit ang kapangyarihang ipagkakatiwala natin sa kanila sa loob ng anim na taon. Huwag nating sayangin ang pagkakataong ito.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 40,197 total views

 40,197 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 54,853 total views

 54,853 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 64,968 total views

 64,968 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 74,545 total views

 74,545 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 94,534 total views

 94,534 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 40,198 total views

 40,198 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,626 total views

 3,626 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 54,854 total views

 54,854 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 64,969 total views

 64,969 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 74,546 total views

 74,546 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 94,535 total views

 94,535 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 49,531 total views

 49,531 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,556 total views

 44,556 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 48,125 total views

 48,125 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,580 total views

 60,580 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,647 total views

 71,647 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,966 total views

 77,966 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,576 total views

 82,576 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 84,136 total views

 84,136 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,697 total views

 49,697 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top