Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kailan naging laban sa gobyerno ang pagtulong sa kapwa?

SHARE THE TRUTH

 270 total views

Mga Kapanalig, nahaharap sa reklamong inihain sa Office of the Ombudsman si Lorraine Badoy, undersecretary ng Presidential Communications Operations Office (o PCOO) at tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (o NTF-ELCAC). Matapos ang isang taóng pagtitiis at pagninilay, nagpasya si Ginang Zena Bernardo, ina ni Ana Patricia Non na kilalang nagsimula ng community pantry sa kasagsagan ng pandemya noong isang taon, na magsampa ng reklamo laban kay Usec. Badoy. Nag-ugat ang kaso sa pag-red-tag ng opisyal kay Ana Patricia (o Patreng) na ayon kay Ginang Bernardo ay nagdulot ng “mental at psychological torture” sa kanyang anak.

Kalagitnaan ng Abril noong nakaraang taon nang ikinalat ng Facebook page ng NTF-ELCAC ang isang post na iniuugnay si Patreng sa mga komunista. Ginamit lang daw ang mga community pantries ng mga komunista upang makapag-recruit ng mga bagong miyembro. Kahit walang ebidensya ang paratang na ito, ibinahagi ito ni Usec. Badoy sa kanyang Facebook page at sinabing modus operandi lamang ng mga rebelde ang mga community pantries na ang tanging layunin lamang ay punan ang pagkukulang ng gobyerno sa pamamahagi ng pagkain sa mga nagugutom dahil ng lockdown. Sa kanyang inihaing reklamo, hinihiling ni Ginang Bernardo ang suspensyon ni Usec. Badoy mula sa kanyang opisina. Nais din niyang magkaroon ng pagdinig upang matukoy ang mga pananagutan ni Usec. Badoy.

Ito na ang ikaanim na reklamong naisampa laban kay Usec. Badoy dahil sa ginagawa niyang red-tagging. Nitong Marso, inireklamo rin siya ng mga progresibong grupong katulad ng Kilusang Mayo Uno, Pamalakaya, at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas dahil sa pag-uunay niya kay VP Leni Robredo sa mga komunista. Ganito rin ang ginawa ng mga grupong Filipino Nurses United at Alliance of Health Workers na nanawagang ipawalambisa ang doctor’s license ni Usec. Badoy dahil sa ginagawa niyang pangha-harass at pag-red-tag sa mga health workers. Sinampahan naman siya ng kaso ni Nobel laureate at mamamahayag na si Maria Ressa na tinawag ni Usec. Badoy na “mouthpiece of enemies of the state,” “sociopath” at “liar.”

Hindi biro at lubhang delikado ang tawaging komunista at kalaban ng estado, lalo na sa isang lipunang mababaw ang pag-unawa sa mga ideolohiya at mabilis manghusga ang mga tao. Nakadidismaya ring mga opisyal pa ng gobyerno ang gumagawa ng red-tagging nang walang batayan o matibay na ebidensya. Salungat ang kanilang ginagawa sa ika-siyam na sampung utos ng Diyos sa Exodo 20: “Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa iyong kapwa.” Tandaan sana ng ating mga lider sa pamahalaang sila ang dapat maging halimbawa ng pagsasabi ng totoo, hindi ng pagsisinungaling at paninirang-puri.

Sa kanyang homilya noong Biyernes Santo, sinabi ni Bishop Ambo David ng Kalookan na maging si Hesus ay para ding biktima ng red-tagging noong panahon niya. Kasama ang mga mangingisda ng Galilea bilang mga apostol, pumunta sila sa mga liblib na lugar, nakihalubilo sa mahihirap, tumulong sa mga maysakit, at nagpangaral tungkol sa katarungan. Kaanak pa niya ang propetang si Juan Bautista na maanghang din ang mga salitang binibitawan. Itinuring na subersibo si Hesus, at ginamit ito ng mga kalaban niya upang mapatawan siya ng parusang pagpapako sa krus. “Subversion (o paglaban sa gobyerno) ang krimeng ikinamatay ni Hesus,” ani Bishop Ambo.

Mga Kapanalig, subaybayan natin ang itatakbo ng mga kaso laban kay Usec Badoy. Nawa’y lumabas ang katotohanan, mapanagot ang mga dapat panagutin, at mabigyan ang mga taong ginigipit gamit ang kasinungalingan tungkol sa kanila ng pagkakataong maipagtanggol ang kanilang sarili. Naniniwala tayong hindi pababayaan ng Panginoon ang mga kumikilos upang itaguyod ang dignidad at kapakanan ng kanilang kapwa, lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 38,317 total views

 38,317 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 52,973 total views

 52,973 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 63,088 total views

 63,088 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 72,665 total views

 72,665 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 92,654 total views

 92,654 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 38,318 total views

 38,318 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,500 total views

 3,500 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 52,974 total views

 52,974 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 63,089 total views

 63,089 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 72,666 total views

 72,666 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 92,655 total views

 92,655 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 49,347 total views

 49,347 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,372 total views

 44,372 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,941 total views

 47,941 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,396 total views

 60,396 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,463 total views

 71,463 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,782 total views

 77,782 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,392 total views

 82,392 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,952 total views

 83,952 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,513 total views

 49,513 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top