538 total views
Ilang araw bago ang 2022 national at local elections sa ika-9 ng Mayo, kabilang na rin Christian Family Movement of the Philippines (CFM)sa mga church organizations na nagpahayag ng suporta sa kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Senator Francis “Kiko” Pangilinan.
Inihayag ng C-F-M na batay sa isinagawang discernment meeting ng grupo ay lumabas na ang tambalan nina Leni at Kiko ang nakakuha ng pinakamataas na puntos o marka mula sa mga isinagawang discernment exercises bukod pa ang akmang programa at plataporma sa kapakanan ng taumbayan at ng bansa.
Ibinahagi ng C-F-M na ginawa ang discernment meeting noong ika-12 ng Marso, 2022 na dinaluhan din ng National Chaplain ng grupo na si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza at Assistant National Chaplain Msgr. Manny Gabriel.
“In our concluded discernment meeting held last March 12, 2022, in the presence of our National Chaplain Bp. Gerry Alminaza and Assistant National Chaplain Msgr. Manny Gabriel, under the guidance of the Holy Spirit, we came to the conviction that we will support VP Leni Robredo for President and Sen. Francis Pangilinan for Vice President, who consistently garnered the highest scores in our discernment exercise, and whose program of government represents the good that we aspire for our country and our people.” pahayag ng CFM) of the Philippines.
Iginiit ng C-F-M na mahalagang manindigan ang bawat isa para sa kapakanan at kabutihan ng buong bayan na nakasalalay sa nakatakdang halalan.
Ayon sa pamunuan ng CFM kabilang sa mga batayang ginamit ng grupo para sa isinagawang discernment process ay ang 5Cs na hango sa rekomendasyon ni Cagayan de Oro Archbishop Emeritus Antonio Ledesma na pagsusuri sa Conscience, Competence, Compassion, Companions, at Commitment ng mga kumakandidatong pulitiko sa iba’t ibang posisyon sa pambansa at lokal na posisyon.
“As we reflect on the plight of our country and our people today, we deem it necessary to make a stand for the good that is so vital for our survival and our future as a nation. In our effort to choose rightful leaders who will lead us to this good, we went through a discernment process where we adopted the 5Cs (Five Criteria: Conscience, Competence, Compassion, Companions, and Commitment), as suggested by Archbishop Emeritus Antonio Ledesma of Cagayan de Oro.” Dagdag pa ng CFM.
Ang Christian Family Movement (CFM) na naitatag sa Pilipinas noong 1956 ay ang kauna-unahan at ang pinakamatagal ng organisasyon o samahan ng mga pamilya sa bansa na nasa ilalim na paggabay ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pamamagitan ng Episcopal Commission on the Family Life (ECFL) at Episcopal Commission on the Laity (ECL).
Ang Christian Family Movement (CFM) of the Philippines ay isa din sa mga kasaping organisasyon ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na una ng inendorso ang kandidatura ng Leni-Kiko tandem para sa nakatakdang halalan sa bansa.