Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Transportasyon para kanino?

SHARE THE TRUTH

 239 total views

Mga Kapanalig, ilang araw lamang matapos ang Pasko ng Muling Pagkabuhay, isang hindi magandang regalo ang natanggap ng mga manggagawang nagtatrabaho sa Kamaynilaan at umuuwi sa mga karatig-probinsya matapos ang isang araw ng pagbabanat ng buto.

Miyerkules noong isang linggo nang sinimulang ipatupad ang window hours para sa mga provincial buses. Mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga kinabukasan na lamang maaaring pumasok ang mga bus sa National Capital Region (o NCR), kahit ang mga bus na mayroong terminal sa EDSA. Walang nagawa ang mga kompanya ng bus kundi baguhin ang oras ng kanilang mga biyahe alinsunod sa bagong patakaran.

Nagdulot ng kalituhan at abala ang biglaang pagpapatupad ng window hours. Ang mga may trabaho hanggang alas-6 ng hapon, halimbawa, ay kailangan pang maghintay ng alas-10 ng gabi upang makasakay ng provincial bus at makauwi. Lalong hindi ito pabor sa mga panggabi ang trabaho.

Paliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (o LTFRB), hindi sila bahagi ng bagong window hours scheme. Ipinatutupad daw ito ng Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA). Ngunit kinakailangan pa rin daw sundin ng mga provincial bus companies ang bagong utos ng MMDA. Paglilinaw pa nila, hindi lang naman daw magagamit ng mga bus companies ang kanilang pribadong terminal ngunit dapat lang nilang ibaba ang mga pasahero sa mga integrated terminal exchanges batay sa kanilang ruta.

Halimbawa, para sa mga bus papunta at mula sa Timog Katagalugan katulad ng Cavite, Laguna, at Batangas, maaari silang magsakay at magbaba sa Parañaque Intergrated Terminal Exchange. Para naman sa mga papunta at magmumula sa norte, gagamitin daw ang Northern Luzon Express Terminal, at ang Santa Rosa Integrated Terminal para sa mga papunta at magmumula sa Visayas at Mindanao.

Ngunit mabigat sa bulsa kung sasakay ang mga pasahero ng taxi o kaya’y kukuha ng mga ride-sharing services mula o papunta sa mga terminal na ito. Sa mismong araw ng pagsisimula ng implementasyon ng window hours, may mga pasaherong nagsabing umabot sa limandaan hanggang sanlibong piso ang gastos nila sa pagbiyahe mula Cubao hanggang Bulacan kung saan naroroon ang Northern Luzon Express Terminal.

Malaki ang papel ng transportasyon sa kalidad ng buhay tao, lalo na sa mga nasa lungsod kung saan matatagpuan ang maraming trabaho. Sinabi ni Pope Francis sa kanyang encyclical na Laudato Si’, nagdudulot ng paghihirap ang kawalan ng maayos na sistema ng transportasyon. Nagtutulak ito sa mga taong piliing magkaroon ng sariling sasakyan na sa halip na makatulong ay lalo pang nakakapagpalalâ ng daloy ng trapiko. Sa Metro Manila nga, tinatayang hanggang 53% ng mga sasakyang dumadaan sa mga kalye rito ay mga pribadong sasakyan.

Dagdag pa ng Santo Papa, hindi sapat ang paggawa ng mga kalsada at paradahang hindi naman tumutugon sa pangangailangang bigyang prayoridad ang pampublikong transportasyon. Ang isang siyudad na siksikan, nagdudulot ng abala sa mga tao, walang maayos at ligtas na transportasyon ay isang lugar kung saan hindi naiaangat ang dignidad ng tao. Matapos ang dalawang taóng lockdown dulot ng pandemya, bigo pa rin ang pamahaalang lutasin ang problema sa trapiko at transportasyon sa ating bansa. Umutang pa tayo ng bilyun-bilyong piso para sa ibinabanderang Build, Build, Build program, ngunit para kanino nga ba ang ipinatayong mga kalsada at expressway? Nakikinabang ba rito ang mga umaasa sa pampublikong transportasyon katulad ng provincial buses?

Mga Kapanalig, ngayong eleksyon, pipili tayong muli ng mga lider ng ating bansa. Piliin natin ang nakauunawa sa hirap na nararasanan ng mga karaniwang Pilipino makarating lamang sa kanilang trabaho at makauwi sa kanilang pamilya araw-araw. Piliin natin ang mga lider na, gaya ng inilalarawan sa Filipos 2:4, hinahanap ang ikabubuti ng mga tao.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 36,926 total views

 36,926 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 51,582 total views

 51,582 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 61,697 total views

 61,697 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 71,274 total views

 71,274 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 91,263 total views

 91,263 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 36,927 total views

 36,927 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,395 total views

 3,395 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 51,583 total views

 51,583 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 61,698 total views

 61,698 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 71,275 total views

 71,275 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 91,264 total views

 91,264 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 49,216 total views

 49,216 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,241 total views

 44,241 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,810 total views

 47,810 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,265 total views

 60,265 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,332 total views

 71,332 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,651 total views

 77,651 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,261 total views

 82,261 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,821 total views

 83,821 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,382 total views

 49,382 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top