Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Archdiocese of Manila, magpapadala ng tulong sa Haiti

SHARE THE TRUTH

 363 total views

Hinikayat ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mananampalataya na magpa-abot ng tulong sa pamamagitan ng kani-kanilang parokya para sa mga biktima ng bagyong Mathew sa Haiti.

“Mga minamahal na Kapanalig, mga kaibigan, mga kapatid sa panginoong Hesukristo, alam ko po na nabalitaan na ninyo ang paghagupit ng bagyong Mathew sa isang napakahirap na bansang Haiti. Tayo po habang nakikipag-usap sa inyo ay nakabalita na walong daang tao na ang naitalang namatay at sana naman ay hindi mangyari pero ang banta ng cholera ay nariyan,” panawagan ni Cardinal Tagle.

Ayon kay Cardinal Tagle, nakalulungkot na umaabot na sa mahigit 1,000-katao ang namatay dahil sa bagyo at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakababangon ang Haiti mula sa pinsala ng lindol noong 2010.

“Ang Haiti po ay bukod sa pagiging isa sa mahirap na bansa ay hindi pa po nakakabangon sa lindol na naganap noong 2010 na mahigit 2 daang libong tao ang namatay. Kaya po nanawagan tayo sa ating mga Kapanalig, mga kaibigan sa Pilipinas, una sa lahat isa-isip po natin sila,”apela ng Pangulo ng Caritas Internationalis sa pamamagitan ng Radio Veritas.

Iginiit ng Kardinal na kailangan ng Haiti ang pinansiyal na tulong lalo na mahirap ang kalagayan at pamumuhay sa nasabing bansa.

Ipinaalala ni Cardinal Tagle na tulad ng Pilipinas na nakararanas din ng mga bagyo at kalamidad ay nararapat lamang na tayo ang unang tumulong at magpadama ng awa at habag ng Diyos sa mga taga-Haiti.

Inihayag ng Kardinal na mayroong isinasaayos na pinansiyal na tulong na ipadadala ang mga parokya at organisasyon ng Archdiocese of Manila sa Haiti.

Sinabi ni Cardinal Tagle sa Radio Veritas na magsasagawa ng second collection sa mga parishes ng Archdiocese of Manila sa lahat ng misa sa hapon ng October 15(Sabado) at lahat ng misa sa October 16(Sunday) para sa mga biktima ng bagyo sa Haiti.

“Tayo rin po nakaranas ng bagyong Yolanda, sana tayo ang mga unang nakakaramdam ng pakikiisa sa kanila. Pero hindi sapat ang isipin sila, ipanalangin po natin sila at sa mga darating na linggo. Palagay ko sa ibat- ibang mga parokya at diyosesis at organization ay mayroon tayong magiging pagkilos upang makakalap ng maitutulong sa mga kapatid natin sa Haiti. Kaya po kumakatok kami sa inyo sa taong ito ng habag at awa ng Diyos, atin pong isagawa ang habag na ito,” mensahe ni Cardinal Tagle sa mamamayang Pilipino.

Mula sa datus ng gobyerno ng Haiti, umaabot sa 800 katao ang namatay at mahigit sa 60 libong tahanan ang nawasak sa pananalasa ni typhoon Mathew.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Moral conscience

 7,701 total views

 7,701 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 14,824 total views

 14,824 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 22,027 total views

 22,027 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 27,381 total views

 27,381 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 34,987 total views

 34,987 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Riza Mendoza

2nd collection para sa Haiti, isasagawa sa Archdiocese of Manila

 309 total views

 309 total views Hinikayat ni Caritas Internationalis President, Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang lahat ng pari sa Archdiocese of Manila na magsagawa ng 2nd collection para sa mga biktima ni hurricane Matthew sa Haiti. Inihayag ni Cardinal Tagle na isasagawa ang 2nd collection sa mga misa sa hapon ng Sabado,ika-15 ng Oktubre at linggo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top