Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 376 total views

Homiliya para sa Ikatlong Linggo ng Pagkabuhay, Mayo 1, 2022, Jn 21:1-19

Minsan may nagpa-bless sa akin sa sakristiya, mag-asawang matanda, 50th wedding anniversary daw nila. Nagkuwentuhan kaming konti pagkatapos ng blessing. Doon ko nalaman na taga-Aparri ang lalaki at taga-Jolo naman ang babae. Wow, sabi ko, mula sa dulong north at dulong south, saan kayo nagkatagpo? Sabay silang tumawa. Ang lalaki ang sumagot—sa Manila bay daw. Bumibili ng fishball, fifty years ago. Pareho silang heartbroken. Bumagsak sa board exam si lalaki. Iniwan ng boyfriend si babae, nag-asawa ng iba habang nasa abroad. Pareho silang malungkot, naglalakad, naghihintay ng sunset nang makaramdam ng gutom at sabay lumapit sa fishball vendor. Binigyan sila ng vendor ng barbecue sticks, para sila na ang tumusok sa bilang ng fishball na bibilhin nila bago ito isawsaw sa sarsa.

Nagkataon, sabay nilang natusok ang isang fishball at nagkahiyaan at sabay pang nagsabi ng, “Ay sorry, sige sa iyo na.” At sabay daw silang naghalakhakan. Iyon ang pumawi sa lungkot nila. Iyon din daw ang naging parang ice-breaker nila para magkausap sila, magkakilalanan habang kinakain ang fishball nila. Iyon daw ang simula ng love story nila. Mula noon, taon-taon, imbes na kumain sa restaurant o maghanda para sa wedding anniversary nila, bumabalik-balik sila sa Manila Bay para kumain ng fishball at sariwain ang pag-ibig nila sa isa’t isa.

Ang sweet naman ano? Parang ganito ang kuwento ng ebanghelyo natin ngayon. Kumbaga sa Salubong na isinasaritwal natin tuwing madaling-araw ng LInggo ng Pagkabuhay, ito ang karanasang Salubong ni San Pedro.

Nasabi ko ito sa homily ko sa Salubong sa Malabon. Nagtataka ako kung bakit napakalakas ng hatak sa atin ng tradisyunal na ritwal na ito bilang mga Pilipino. Banyaga kasi sa atin ang Easter egg hunt sa pagkabuhay. Mas malakas ang dating sa atin ng Salubong. Iyong ritwal mismo na pinakahihintay ng mga nakikisalubong maikli lang—ito ang sandali ng pagtatagpo ni Mama Mary at ng anak niyang muling nabuhay.

Ang imahen ni Mama Mary ay Madre Dolorosa, Inang nagluluksa. Kaya nakabelong itim. Ang pinakahihintay na sandali ng mga dumadalo sa salubong ay ang pagbaba ng anghel para alisin ang belong itim.

Parang isang panalangin ang sandaling iyon. Ang alam kong kahulugan ng Salubong ay welcome. Pero pwede rin palang i-apply ito sa reconciliation o pagkakasundo. May kakilala kasi akong pamilya na nagkadimandahan dahil sa ari-arian. Noong huling kamustahin ko ang isa sa mga magkakapatid, maliwanag na ang mukha niya: “Salamat sa Diyos, bishop, nagkasalubong na rin kaming mga magkakapatid, sa tulong ng judge na kumausap sa amin. Hindi po kasi kami magkasalubong noon una.”

Totoo, di ba? Parang ang dilim ng buhay kapag hindi tayo nagkakasalubóng. Kapag pinaglalayo tayo ng mga hidwaan sa isa’t isa. At ang madalas na pumipigil sa ating pagtatagpo ng pananaw o pagsasalubong ay mga galit, hinanakit, mga bitbit na takot at pangamba o mga paunang hatol na nagiging dahilan para tayo magsara ng puso at isip at hindi na tayo makinig sa isa’t isa. Malungkot talaga ang buhay kapag hindi tayo magkasalubong, kapag nababalutan ang mga buhay natin ng mga belong itim.

Mula pa noong itatwa ni Pedro nang tatlong beses ang Panginoon, dumilim na ang daigdig para sa kanya. Pinadilim ito ng mabigat na konsensya dahil hindi niya napanindigan ang kaibigan niya dala ng matinding takot na baka siya rin ay mapahamak. Kaya sila nagsipagtago at nagkulong doon sa silid na pinagkainan nila ng huling hapunan.

Ang dilim na ito ang dahilan kung bakit hindi niya agad maintindihan ang sinabi ng mga babae na nakita nila ang Panginoon at ang bilin sa kanila ay sabihan daw sina Pedro na magkita-kita sila sa Galilea.

Saan sa Galilea? Napakalaking probinsiya ng Galilea. Luminaw lang kay Pedro kung saan noong maulit ang sitwasyon ng kanilang unang pagtatagpo sa ebanghelyong binasa natin sa Juan 21. Nasa chapter 5 ni San Lukas ang orihinal na kuwento. Pumalpak din sila noon sa pangingisda. Walang nahuli kahit isa. Kabiguan din ang nagpapadilim sa paningin niya.

Kaya di niya agad nakilala ang Panginoon. Buong akala talaga niya, ang taong sumigaw sa kanila mula sa pampang ay isang pulubing matanda na nagdidilihensya lang ng isda. Sabi ba naman, “Mga anak, may nahuli na ba kayo na makakain?” Alam ni Pedro na istrok ng mga nagdidilihensya. Mag-aalok na ipaghanda sila ng apoy na paglulutuan ng maa-almusal nila pagdating sa pampang, kung bibigyan siya ng konting maiuuwi. Kaya nang sabihin niyang “Wala po!” Palagay ko ang gusto talaga niyang sabihin ay, “Patatawarin po! Kay aga-aga nyo namang nagdidilihensya, e wala pa nga kaming huli. Tumahimik nga kayo diyan at nabububulabog ang mga isda. Minamalas tuloy kami sa diskarte.”

Aba, nagsuggest pa ang matanda kung saan ihuhulog ang lambat. Parang humihirit—na ang ibig sabihin, pag sinuwerte kayo pahingi namang konti, ok? Sabi siguro niya, “Sige na nga.” Kaya nang biglang bumigat ang lambat, parang biglang bumalik din sa alaala niya ang unang pagtatagpo nila. Ganitong ganito rin. Alam na niya kung sino ang kausap nila, pero naumid ang dila niya. Ang bunsong alagad ang nakasigaw, “Siya iyon!”

Nakakatawa ang description sa reaksyon ni Pedro—naconscious daw siya na hubad siya kaya dali-daling nagdamit, pero sa kalituhan, lumundag naman sa tubig. Para bang gustong lumubog sa kahihiyan, wala nang mukhang ihaharap sa kaibigan. Dito, ang Panginoon na mismo ang nag-alis sa belong itim na pumipigil sa kanya na lumapit. Maya-maya nasa pampang na rin siya katabi niya. Itong akala niya’y pulubing nagpapalimos ang siya palang magpapakain sa kanila.

Sa pangatlong beses na tinanong siya at pangatlong beses na sumagot siya, noon pa lang luminaw sa kanya kung ano ang ginagawa ng kanyang kaibigan—binubuhay siyang muli. Isang sagot ng pag-ibig sa bawat salita ng pagtatatwa. Ang nabasag nilang relasyon ay binubuo niyang muli. Kaya Salubong ni Pedro ang tawag ko sa eksenang ito.

Hayaan nyong ulitin ko ang dasal na ginawa kong conclusion sa homiliya ko noong Linggo ng Pagkabuhay:

“Panginoong Hesus ng muling pagkabuhay, hinihiling namin na pagsalubungin mo ang mga magkakapatid, magkakamaganak, magkakababayan, lalo na ang mga pinaglalayo ng mga alitan, hinanakitan, at hidwaan. Alisin mo po ang belong itim ng pagdududa at mga paunang hatol, ang mga sama ng loob at masamang pag-iisipsa isa’t isa. Pagtagpuin mo po ang aming mga pananaw sa liwanag ng katotohanan nang may kababaang-loob na makinig, na magsisi sa aming mga pagkakamali, na huwag manghusga, at magsikap na maunawaan ang pinanggagalingan ng bawat isa sa amin. Hayaan mong masilayan namin ang iyong mukha sa bawat isa sa amin upang ang liwanag ng iyong pagkabuhay ang magdulot sa amin ng tunay na pagkakasundo, at aming matanto na kami pala ay hindi iba, na kami’y magkakapatid, na kami’y magkakapamilya dahil tinuring mo kaming lahat bilang iyong mga kaibigan at kapanalig.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 29,555 total views

 29,555 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 44,211 total views

 44,211 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 54,326 total views

 54,326 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 63,903 total views

 63,903 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 83,892 total views

 83,892 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,333 total views

 7,333 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,463 total views

 9,463 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,462 total views

 9,462 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,464 total views

 9,464 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,460 total views

 9,460 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,332 total views

 10,332 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,534 total views

 12,534 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,567 total views

 12,567 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,921 total views

 13,921 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 15,017 total views

 15,017 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,225 total views

 19,225 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,944 total views

 14,944 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,313 total views

 16,313 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,575 total views

 16,575 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,268 total views

 25,268 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top