504 total views
Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng tatlong araw na matinding pananalangin o “intense prayer” para sa nakatakdang National and Local Elections sa May 9, 2022.
Sa pamamagitan ng isang liham sirkular ay nanawagan si CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa bawat isa na ipanalangin ang pagkakaroon ng maayos, matapat, mapayapa, makatotohanan at marangal na halalan sa bansa.
Partikular na ipinanawagan ni Bishop David ang matinding pananalangin ng bawat isa mula ika-8 hanggang ika-10 ng Mayo para sa kabuuang proseso at resulta ng halalan sa bansa.
“Elections are coming in just a few more days, and I have been receiving messages from our faithful, asking that we call for three days of INTENSE PRAYER on May 8, 9, and 10. I know that you may already have issued your own calls to prayer. Nevertheless, allow me to submit this request to your own personal consideration for your respective ecclesiastical jurisdictions.” Ang bahagi ng liham sirkular ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.
Kabilang naman sa mga mungkahi ni Bishop David ay ang pagbubukas ng mga Simbahan sa loob ng nasabing tatlong araw, ang pagsasagawa ng prayer vigil sa harap ng Banal na Sakramento at ang paulit-ulit na pananalangin ng Santo Rosaryo, kasama na ang Litany of Our Lady of Loreto, Divine Mercy Chaplet at Oratio Imperata for the Elections.
“During the whole days of May 8, 9, and 10, we keep our Parish Churches open and the Blessed Sacrament exposed for adoration, encourage our lay faithful— especially our Eucharistic Adorers and members of the Apostleship of Prayer—to take turns in keeping vigil before the Blessed Sacrament, and repeatedly praying the Mysteries of the Holy Rosary, along with the Litany of Our Lady of Loreto, the Divine Mercy Chaplet and the Oratio Imperata for the Elections.” Ayon kay Bishop David.
Bahagi rin ng tagubilin ni Bishop David ay ang pagpapatunog ng mga kampana ng mga Simbahan sa loob ng sampung minuto mula alas-sais ng umaga sa ika-9 ng Mayo, 2022 kasabay ng pagbubukas ng mga polling precincts bilang paalala sa mga botante sa kanilang mahalagang desisyon na dapat na gawin para sa kapakanan ng buong bayan.
Ayon sa Obispo ang pagpapatunog ng mga kampana ng Simbahan ay isa ring paraan ng pananalangin at paghingi ng gabay ng Banal na Espiritu upang patnubayan at gabayan ang bawat botante na bumoto ayon sa kanilang konsensya, paniniwala at pananampalataya para sa kapakanan at kabutihan ng buong bansa.
“On Monday, May 9, upon the opening of the polling precincts, we have our Church bells rung at 6am for ten minutes, to remind our faithful to exercise their civic duty as citizens to vote, and to do so in the spirit of prayer, asking the Holy Spirit to enlighten their consciences in their choice of new national and local leaders for our country” Dagdag pa ni Bishop David.
Samantala, partikular ding nanawagan si Bishop David na ipanalangin na maging tapat sa kanilang tungkulin para sa bayan ang lahat ng mga institusyon at mga kawani ng pamahalaan na mangangasiwa sa kabuuang proseso ng halalan sa pangunguna ng Commission on Elections (COMELEC), Philippine National Police (PNP), mga guro gayundin ang mga institusyon na magbabantay sa halalan na binubuo ng mga citizens arm gaya ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) at ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na siya namang pangunahing tagapagbantay ng Simbahan para sa pagtiyak ng kaayusan, katapatan at karangalan ng nakatakdang halalan.
Attached Circular No. 22-16 – Three Days of Intense Prayer for the Elections