475 total views
Pinuri at binigyang pagkilala ni Parañaque Bishop Jesse Mercado ang pagpupursige ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahan sa National and Local Elections 2022.
Sa homiliya ng Obispo sa naganap na opisyal na pagpapasinaya at pagbabasbas sa PPCRV-KBP Command Center, kinilala ni Bishop Mercado na siya ring chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Family and Life ang mga inisyatibo ng organisasyon upang ganap na magabayan ang mga botante sa aktibo at matalinong pakikibahagi sa kabuuang proseso ng halalan sa bansa.
Partikular na tinukoy ni Bishop Mercado ang voters education campaign ng PPCRV at ang bolunterismo ng may 500,000 volunteers mula sa iba’t ibang mga parokya sa 86 na mga diyosesis sa buong bansa.
“As I said Voters Education is important, you’ve done that I commend I see here the leaders but I know that this mass is also being heard, is also present to the more than 350,000 to 500,000 PPCRV Volunteers, I welcome you all here I know that you are here with us.” Ang bahagi ng pagninilay ni Parañaque Bishop Jesse Mercado.
Ayon sa Obispo, tinatawagan ang lahat na maging mapanuri at mapagbantay sa kabuuang proseso ng halalan partikular na sa resulta nito para sa kapakanan ng buong bansa.
Ibinahagi ni Bishop Mercado na bukod sa matalinong pakikisangkot at pagboto ng mga karapat-dapat na opisyal ay napakahalaga ang pagbabantay sa resulta ng halalan upang matiyak na mabibilang ng tama ang boto ng bawat botante.
“You know PPCRV with all its volunteers now are inviting everyone, all the voters because our motherland is calling us. Motherland, our country is calling us to gather together and make the right choice so that she will continue to be the kind of mother that she will be for the Filipino people and we know that that exercise is critical that’s why we are offering our time, talent and treasure all you PPCRV Volunteers in order to ensure that the will of the people is expressed, everyone’s vote is counted and counted rightly that’s the mission all for the glory of our motherland and all for God’s love, God’s love…” Dagdag pa ni Bishop Mercado.
Batay sa tala, aabot sa 500,000 ang bilang ng mga volunteer ng PPCRV mula sa may 86 na diyosesis sa buong bansa.
Matatagpuan ang PPCRV-KBP Command Center sa University of Santo Tomas, Quadricentennial Pavillion kung saan isasagawa ang Unofficial Parallel Count sa pamamagitan ng ika-apat na election returns na nakalaan sa PPCRV bilang citizens’ arm.