435 total views
Umaasa si San Pablo Bishop Buenaventura Famadico na ang kalooban ng Panginoon ang mangibabaw at ang pasya ng nakakarami sa 2022 National and Local elections.
Ayon sa obispo, nawa ay igalang ng mga Filipino ang magiging resulta ng halalan maging iba pang ang kandidatong pinapanigan.
“Panginoong Jesus, maraming salamat po sa pagkakataon na makiisa sa pagpili ng mamumuno sa amin sa pamahalaan. Ang inyo pong kalooban ang masusunod. Igagalang ko po ang pasiya ng nakararami at patuloy na susunod sa mga batas para sa ikauunlad at kapayapaan ng aming bansa,” bahagi ng panalangin ni Bishop Famadico.
Una na ri ng hinikayat ng mga obispo ang publiko na maging mahinahon at galangin ang magiging resulta ng halalan.
Ayon kay Caritas Philippines national director, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na sa pagtatapos ng halalan ay manatili ay manatili at mapanauli ang pagkakaibigan ng bawat isa sa hidwaang dulot ng eleksyon sa bansa.
Sa araw nang halalan, nakiisa rin ang mga obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa kanilang tungkulin bilang mamamayang Filipino sa pamamagitan ng pakikibahagi sa halalan.
Bukod kay Bishop Famadico, kabilang sa mga maagang bumoto at nagbahagi ng kanilang mga larawan sa social media sina Archbishop Martin Jumoad ng Ozamis; Archbishop Romulo Valles ng Davao; Bishop Bagaforo ng Kidapawan; at Batanes Bishop Danilo Ulep at Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr.