426 total views
Payapa at walang naganap na election irregularities sa idinaos na halalan sa Archdiocese of Palo, Diocese of Cubao, Diocese of Surigao at Diocese of Bayombong.
Inihayag ni Palo Archbishop John Du na bukod sa pagiging payapa ay walang iregularidad na naitala o anumang uri ng election violation sa Archdiocese of Palo.
“As of now I haven’t really heard any irregularities from my archdiocese. It was I think a peaceful election here,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Arsobispo sa Radio Veritas.
Ipinagdarasal naman ni Archbishop Du na gampanan ng mga bagong halal na opisyal ang kanilang mga tungkulin higit na ang pagtulong sa mga pinaka-nangangailangan sa lipunan.
“My prayers that they will be united in working for the good of all especially the poor and marginalized, May they always seek the presence of God in their decisions. So that they will always be guided by God’s love,” ayon pa sa Arsobispo.
Inulat din ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Father Denish Ilogon – Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Surigao Coordinator na naging maayos ang kabuuang proseso ng halalan sa lugar na kanilang nasasakupan.
Ibinahagi naman ni Bayombong Bishop Elmer Mangalinao ang pagtitipon ngayong araw sa diyosesis( May 16) upang talakayin ang pag-uulat ng mga parokya sa naganap na eleksyon.
Batay sa pinakahuling talaan ng PPCRV umaabot na sa 58.22% ang dumating at encoded na Election returns buhat ng magsimula ang parallel counting ng mga botong nanggagaling sa ibat-ibang lugar sa bansa.