444 total views
Tiniyak ng Pag-IBIG Fund na palalawakin pa ang programang pabahay para sa low income earners sa bansa.
Ayon kay Pag-IBIG Fund Chairman at Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo Del Rosario, ito ang pangunahing layunin ng proramang BALAI ng institusyon na naglalayong mabigyan ng tahanan ang bawat pamilya.
“Socialized housing is designed especially for minimum and low-wage workers. With Pag-IBIG Fund’s Affordable Housing Program, we make sure that all our members, particularly those from the low-income sector, are given the opportunity to own a home. This is the essence of the BALAI (Building Adequate, Livable, Affordable and Inclusive) Filipino Communities Program of the government’s housing sector towards providing decent shelter for every Filipino family,” bahagi ng pahayag ni Del Rosario.
Sa datos ng Pag-IBIG Fund nasa 5,411 socialized homes ang naipamahagi ng institusyon sa mga kasaping minimum-wage at low-income earners sa unang bahagi ng 2022.
Sa halos 30-libong pabahay na pinondohan ng PAG-IBIG Fund mula Enero hanggang Abril 18 porsyento rito ay socialized homes o katumbas sa 2.35-bilyong piso mula sa halos 32-bilyong pisong home loan na naipamahagi sa mga miyembro.
Ayon naman kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti nanatiling pinakamababa ang interest rate ng institusyon kumpara sa ibang nagkakaloob ng housing loan upang mabigyang pagkakataon ang bawat Pilipino.
Sinabi ni Moti na ang Affordable Housing Program (AHP) para sa kumikita ng 15-libong piso kada buwan sa National Capital Region habang 12-libong piso naman sa iba pang mga rehiyon sa bansa.
Sa nasabing programa magbabayad ng 3-percent interest rate per annum at makakukuha ng hanggang 580-libong pisong pabahay sa socialized subdivision at hanggang 750-libong piso naman sa socialized condominium.
Ang tatlong porsyentong interes ay bunga ng tax-exempt status sa ilalim ng Republic Act No. 9679 or the Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) Law of 2009 na nangangahulugang magbayad lamang ng P2,445.30 kada buwan ang makakakuha ng socialized home loan.