440 total views
Inihayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang kahandaan sakaling tumanggap na ang Pilipinas ng mga refugees.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Vice-Chairman ng CBCP-ECMI, na sa oras na tumanggap ang pamahalaan ng mga refugees ay handa ang komisyon na kalingain maging ang espiritwal na pangangailangan ng mga migrante.
“Our Church is mother who accepts and welcomes all regardless of creed, color of the skin and customs. She fulfills what our Lord Jesus says “Am stranger and you welcome me,” mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ng Obispo.
Ibinahagi ng Obispo na nakahanda rin ang mga parochial school ng CBCP-ECMI na mag-alok ng scholarship programs para sa mga kabataang refugees.
Ipanabatid din ni Bishop Santos na titiyakin ng simbahang katolika sa Pilipinas na makapamuhay ng may dignidad at ligtas ang mga refugees na magtutungo sa bansa.
“When our Philippine government processes and receives refugees, the Church through cbcp ecmi accommodates them and attends to their pastoral and spirit needs, with our parochial schools we open and offer scholarship grants, the Church accompanies them for dignified life and promotes their safe, secured stay,” mensahe pa ng Obispo.
Tiniyak rin ni Bishop Santos ang pagpapadala ng CBCP-ECMI ng tulong sa mga biktima ng digmaan at sigalot sa tulong na rin ng mga koleksyon mula sa ibat-ibang diyosesis.
March 2022 ng ipatupad ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No.163 na layuning paghandaan, protektahan at tanggapin ang mga refugees na maaring magtungo sa Pilipinas dahil sa pag-iral ng digmaan katulad ng pananakop ng Russia sa Ukraine.
Sa ulat ng United Nations Refugee Agency (UNHCR), mahigit 100-milyong katao o 1-porsiyento ng populasyon ng buong mundo ang lumikas mula sa kanilang tirahan dahil sa pag-iral ng ibat-ibang sigalot at digmaan.