222 total views
Mananatili ang simbahan sa pakikipagtulungan sa pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni President-elect Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. at Vice President-elect Sara Duterte.
“We will, as always, exercise principled cooperation with the government. As such, we will support all his administration’s programs that will respect the rights and dignity of the Filipino people; Honor the rule of law and history, and make government more accountable to its people,” bahagi ng pahayag ng Caritas Philippines.
Ito ang inilabas na pahayag ng Caritas Philippines-ang social arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kasunod ng proklamasyon sa pinakamataas na pinuno ng Pilipinas.
Tiniyak din ni Caritas Philippines National director, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang pakikipagtulungan sa bagong pamahalaan sa mga programang tutugon sa karapatan at dignidad ng mamamayan, pagsusulong ng katotohanan at matapat na pamamahala.
Sa pagtatapos ng election season, ilulunsad din ng institusyon ang ‘post-election accountability program’ upang matiyak na isasakatuparan ng mga nanalong kandidato ang kanilang mga pangako sa taumbayan.
Dagdag pa ni Bishop Bagaforo, “In all that is to come, we pray that his administration will be guided by justice, inspired by the people who elected him, and fueled by true patriotism.”
Si President-elect Marcos Jr. ay ang ika-17 Pangulo ng Pilipinas, makaraan ang 36-taon mula nang mapatalsik si dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr. sa pamamagitan ng EDSA People Power noong 1986.
Si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio naman ang ika-15 bise-presidente ng bans ana itinalaga rin ni Marcos Jr. bilang susunod na kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.