613 total views
Tuloy ang development projects ng Department of Agriculture para sa mga agricultural workers.
Ito ang tiniyak ni Shandy Hubilla, Deputy Director ng- DA-Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) maging sa pagpalit ng bagong administrasyon.
Layunin ng PRDP na gumawa ng mga imprastraktura, proyekto at inisyatibo na tutulong sa mga magsasaka’, mangingisda na mapadali ang pagpapadala ng kanilang mga produkto sa mga pamilihan.
“Ang maganda po ang ating pinanggagalingan ay loan agreement so yung loan agreement po natin ay parang treaty, so regardless po kung sino po yung maging pangulo natin, in this case presumptive president Bong-Bong Marcos ay tuloy-tuloy po,” ayon kay Hubilla.
Ayon kay Hubilla, kahit pa sa pagpapalit ng administrasyon ay magpapatuloy parin ang mga nakalinyang proyekto ng PRDP hanggang 2024 dahil ito ang napagkasunduan ng World Bank at pamahalaan ng Pilipinas.
2013 ng magsimula ang PRDP sa 79-na lalawigan sa buong bansa na ginagamit ang loan mula sa World Bank.
Ibinahagi ni Hubilla na umaabot na 968-thousand agri-workers mula sa kanayunan ang naging benepisyaryo ng proyekto kung saan kanilang natanggap ang ibat-ibang uri ng tulong katulad ng mga bagong kagamitan, irigasyon sa tanimang lupa at mas pinadaling deliveries ng kanilang mga ani o produkto sa merkado.
Gayunman, inihayag ng Philippine Statistic Administration (PSA), Bayanihan sa Agrikultura,Federation of Free Farmers, Alyansa sa Agrikultura, Coalition for Agriculture and Modernization in the Philippines na ang agri-fisheries ng sector ang pinakamahirap na sector sa bansa.
Ang sector ay kumakatawan sa 30-porsiyento ng labor force sa bansa na umaabot sa 10-milyon ngunit 10.2 percent lamang ang kontribusyon sa gross domestic product (GDP).
Unang ipinabatid ng Kaniyang Kabanalang Francisco ang kahalagahan ng gawain ng mga magsasaka at mangingisda sa buong mundo dahil sila ang producer ng mga pagkain.