Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 598 total views

Ascension Sunday Cycle C

Acts 1:1-11 Eph 1:17-23 Lk 24:19-20

Higit nang apatnapung araw nang si Jesus ay muling nabuhay. Ngayon ay ipinagdiriwang na natin ang kanyang pag-akyat sa langit. Magkaugnay ang dalawang kapistahang ito. Ang muling pagkabuhay at ang pag-akyat ni Jesus sa langit ay kapwa pagluluwalhati kay Jesus. Pinapakita ng mga ito ang kadakilaan ni Jesus – itinaas na siya ng Diyos Ama – itinaas siya mula sa libingan at itinaas siya mula sa lupa.

Ang tagumpay ni Jesus ay nagbibigay sa atin ng pag-asa. Kung nasaan siya ngayon, duroon din tayo. Anumang pagsubok at kahirapan na dinadaanan natin ngayon, ang mga ito ay magtatapos din. Kung tayo ay kasama ni Jesus sa kanyang buhay, magiging kasama din tayo ni Jesus sa kanyang tagumpay. Ang dasal ni Pablo sa mga taga-Efeso na ating narinig ay siya ring dasal para sa atin: “Nawa’y liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo ang ating inaasahan sa kanyang pagtawag sa atin. Ito ay ang kaluwalhatiang inilaan niya sa kanyang mga hinirang.” Hindi maaabot ngayon ng ating pag-iisip kung ano ang kaluwalhatian na nag-aantay sa atin sa piling ng Diyos. This glory and his joy are so much beyond our imagination. Siguro sa langit manghihinayang tayo. Siguro masasabi natin: “Kung alam ko lang na ganito pala ang langit, na ganito pala ang gantimpala ng Diyos, sana mas lalo pa akong nagsikap sa lupa.”

Pero hinahangad ba natin ang langit? Baka naman ang pinagsisikapan lang natin ay ang mga bagay sa lupang ito na hindi na natin itinataas ang ating noo upang paminsan-minsan maitaas din natin ang ating pangarap na langit. Iyan ang paalaala sa atin ng kapistahang ito. Tulad tayo ng mga alagad na habang umaakyat si Jesus sa langit sinusundan natin siya ng ating tingin na nananabik na pumaroon din tayo.

Pero hindi tayo pinapabayaan ni Jesus dito sa lupa dahil pumunta na siya ng langit. Ipapadala niya ang kanyang Espiritu na sasama at gagabay sa atin. At doon sa langit si Jesus ay nakaluklok sa kanan ng Ama at patuloy siyang namamagitan para sa atin. Ipinakikipag-usap niya tayo sa Ama. Hindi niya hahayaan na ang kanyang pagpapakasakit at pagkamatay ay hindi magiging epektibo sa atin. Manalig tayo sa ating dakilang tagapamagitan.

Pero sa kapistahang ito hindi lang tayo inaanyayahan na tumingala sa langit. Noong matagal-tagal nang nakatitig sa langit ang mga alagad, may dalawang lalaki na nakadamit na puti ang lumapit at sinabi sa kanila: “Itong si Jesus na umakyat sa langit ay magbabalik tulad ng nakita ninyong pag-akyat niya.” Parang pinapaabot sa kanila na kumilos na sila at maging handa sa kanyang muling pagdating. At bago umakyat si Jesus sa langit iniwanan niya ang mga alagad na may misyon na maging saksi niya hanggang sa dulo ng daigdig.

Umalis si Jesus na hindi pa natapos ang kanyang misyon. Ito ay ipinaubaya niya sa kanyang mga alagad, ipinaubaya niya sa atin bilang simbahan. Ipagpatuloy natin ang pagsasaksi sa pag-ibig ni Jesus sa mundo at pag-aalok ng kaligtasan na bigay niya para sa lahat. Kaya ang pag-akyat ni Jesus sa langit ay hindi lang nagbibigay ng pag-asa sa atin. Ito ay nagpapakilos sa atin na ipagpatuloy ang kanyang misyon hanggang sa muli niyang pagdating.

Kaya kaya nating gawin ito? Sa ganang ating sarili, hindi yata natin kaya ito. Mahina tayo at napakaraming hadlang sa pagtanggap ng Magandang Balita. Kaya nga sinabi niya sa mga alagad na mag-antay muna sila sa Jerusalem sa pagdating ng Espiritu Santo, na siya namang ipagdiriwang natin sa susunod na Linggo, sa kapistahan ng Pentekostes. Ang Espiritu Santo ang magbibigay sa atin ng lakas at kapangyarihan na gawin ang misyon ni Jesus. Isa rin sa ipinagdasal ni Pablo sa mga taga-Efeso na ipagdasal din natin para sa atin: sana maliwanagan tayo ng kapangyarihan na kikilos sa atin, na walang iba kundi ang kapangyarihan na bumuhay kay Kristo at lumuklok sa kanya sa kanan ng Ama. Talagang napaka-lakas ng kapangyarihang ito. The power of the resurrection is working in us. Sa kapangyarihang ito magagawa natin ang ating misyon hanggang sa pagdating muli ni Jesus.

Ito ay napatunayan sa kasaysayan. Sa mga panahon ng kahinaan ng simbahan, na marami siyang problema at mga kasalanan at eskandalo pa, nakakaahon uli siya. May mga panahon na may matitinding pag-uusig sa simbahan, na pinalayas ang mga pari at pinagpapatay ang mga Kristiyano, na ang mga mang-uusig ay mga hari, mga generals, mga armies, pero nakakatayo uli ang simbahan, tulad ng isang patay na muling nabuhay. Ang kapangyarihang ito ay hindi na galing sa kanyang sarli. Ito ay galing na sa Espiritu Santo.

Balikan din natin ang ating mga sariling karanasan. May mga panahon sa buhay natin na nawalan tayo ng pag-asa, na hindi natin alam ang ating gagawin dahil nalugmok tayo sa kasalanan o pati na sa bisyo, nagkagulo-gulo ang ating mga relationships, pero nakatayo tayo muli. Hindi natin ito inaasahan, pero may kapangyarihan na humihila sa atin mula sa kuko ng kamatayan o ng kawalang pag-asa. May ibayong kapangyarihan na kumikilos sa atin. Kaya huwag nating sabihin na hindi natin kaya ang ipinagagawa ni Jesus. Hindi naman niya tayo binigyan ng misyon na hindi tayo binigyan ng kapasidad. Binibigyan tayo ng kakayahan upang gawin ang ipinagagawa niya sa atin. Manalig tayo at buksan natin ang ating sarili sa kanya.

Paano natin maabot ang dulo ng daigdig? Ngayong Ascension Sunday ay ang World Communication Sunday. Ipapaabot natin ang Magandang Balita at ngayong panahon nandiyan ang kakayahan na binibigay sa atin ng social media at ng mass media. Gamitin natin ang mga ito. I-communicate natin ang mensahe ng Diyos. Huwag tayong tatahimik. Gamitin natin ang mga pamamaraan ng panahon upang mabuksan ang puso at isip ng mga tao sa Diyos. Kailangang kailangan ng maraming tao na marinig na mahal sila ng Diyos, na may saysay ang buhay nila, na may kasiyahan sa langit na nag-aantay sa kanila.

Ang kapistahan ng pag-akyat ni Jesus sa langit ay nagbibigay sa atin ng pag-asa at ng hamon. Pag-asa na pagkatapos ng ating pakikibaka sa buhay na ito, may langit na naghihintay sa atin. Itaas natin ang ating noo at hangarin ang langit. Kung nasaan siya ngayon, duroon din tayo.

Hamon. Habang nag-aantay tayo ng langit, kumikilos tayo upang iiwan natin ang mundong ito na mas maayos at mas maganda kaysa dinatnan natin. Tinatanggap at isinasabuhay na natin ang paghahari ng Diyos sa lupa habang umaasa tayo na makarating sa kanyang kaharian sa langit.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 21,847 total views

 21,847 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 36,503 total views

 36,503 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 46,618 total views

 46,618 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 56,195 total views

 56,195 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 76,184 total views

 76,184 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 5,107 total views

 5,107 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 6,204 total views

 6,204 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 11,809 total views

 11,809 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 9,279 total views

 9,279 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 11,327 total views

 11,327 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 12,655 total views

 12,655 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 16,901 total views

 16,901 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 17,329 total views

 17,329 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 18,389 total views

 18,389 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 19,699 total views

 19,699 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 22,428 total views

 22,428 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 23,614 total views

 23,614 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,094 total views

 25,094 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 27,504 total views

 27,504 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 30,781 total views

 30,781 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top