418 total views
Kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commision on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang ginawang pagtugon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas sa pangangailangan ng mga Pilipinong naapektuhan ng economic crisis sa Sri Lanka.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos-vice chairman ng CBCP-ECMI, mahalagang maipabatid sa mga Filipino Migrants ang malakasakit ng pamahaalan upang maipadama ang pagkalinga lalo na panahon ng kagipitan.
“The protective move and caring efforts of the DFA for our Filipinos in Sri Lanka are praiseworthy. It is to bring them safe and sound,” ayon kay Bishop Santos.
Ito ay dahil sa pagkakautang ng Sri Lanka habang narin nakakatanggap ang bansa ng suplay ng langis na naging dahilan ng labis na pag-taas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Hinimok rin ni Bishop Santos ang bawat isa na ipinalangin ang Sri Lanka tungo sa pagbangon mula sa krisis pang-ekonomiya.
“In that perilous condition, let us turn to God and pray for His providence to bring peace and prosperity to Sri Lanka,” ayon sa panghihimok ng Obispo
Batay sa datos ng Pamahalaan ng Pilipinas ay aabot sa mahigit 600-Filipino migrants ang naninirahan o nagtatrabaho sa Sri Lanka.
Una nang ipinag-utos ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang repatriation program ng mga Pilipinong nasa Sri Lanka at kagya’t na makipag-ugnayan Philippine Consulate in Colombo.
Sa mga Filipinong nais nang umuwi ng Pilipinas ay makipag-ugnayan lamang sa mga contact details na email address sa [email protected], [email protected] at mga numerong +94 112307162, +94 114322268 at +94 114322267.