441 total views
Pinaalalahanan ng Diyosesis ng Kidapawan ang mga lingkod ng simbahan at nasasakupang mananampalataya sa kasagraduhan ng katawan ng tao.
Muling naglabas ang diyosesis ng pastoral instruction hinggil sa cremation ng mga labi alinsunod sa Canon Law at mga atas ng Congregation for the Doctrine of the Faith.
Nilinaw ng simabahan na hindi ito tutol sa pagsunog ng mga labi sapagkat hindi ito makakaapekto sa kaluluwa ng tao.
Gayunman, iginiit ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na hindi dapat makalalabag sa makakristiyanong pamamaraan ng paggalang sa mga pumanaw.
“The Church still prefers the practice of burying the bodies of the deceased, becuase this shows a greater esteem towards the deceased. Nevertheless, cremation is not prohibited, unless it was chosen for reasons contrary to Christian doctrine,” pahayag ni Bishop Bagaforo.
Sinabi ng obispo na bilang kristiyano ay nararapat gagawin ang cremation ng mga labi matapos ang liturhiya sa pagpaparangal sa yumao at pagbabasbas maliban lamang kung ang pumanaw ay nahawaan ng COVID-19 kung saan maaring gagawin ang funeral rites matapos ang pagsunog ng mga labi.
Mahigpit ding ipinagbabawal ng simbahan ang pagkalat ng abo ng mga yumao sa karagatan o saanmang lugar maging ang paglagay sa mga mementos, kuwintas at iba pang bagay na maituturing pagsasantabi sa dignidad ng yumao.
Hindi rin pinahintulutan ng simbahan ang pananatili ng abo ng yumao sa mga tahanan o paghahati-hatiin ng mga kaanak.
“When cremation of the body has been chosen, the ashes of the faithful must be laid to rest in a sacred place, that is a cemetery or, in certain cases, in a church or an area, which has been set aside for this purpose, and so dedicated by the ecclesial authority. This is to ensure that the faithful departed is included in the prayers and remembrance of the family and the Christian Community,” saad pa ng obispo.
Matatandaang sa ilalim ng 1917 Code of Canon Law mahigpit na ipinagbabawal ng simbahan ang cremation maliban lamang sa mga ‘extreme cases’ tulad ng mga biktima ng trahedya at salot.
Taong 1963 lamang ng alisin ng simbahang katolika ang cremation ban kasabay ng paglalabas ng mga alintuntuning itinakda ng Congregation for the Doctrine of the Faith.
Sa 60-libong nasawi ng COVID-19 sa Pilipinas halos isandaang porysento rito ang isinailalim sa cremation bilang hakbang sa pag-iingat na kumalat ang virus