443 total views
Nanawagan ang pinuno ng Caritas Manila na sama-samang ipinalangin ang kapayaan at pagtatapos ng Russia-Ukraine war upang makaahon na sa kahirapan at guminhawa ang pamumuhay ng lahat.
Ayon kay Father Anton CT Pascual – Pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng Caritas Manila, ang digmaan ay nagdudulot ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na naging resulta din ng mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
“Una sa lahat ipagdasal po natin na matapos na ang digmaang ito sa tulong at awa ng Panginoon ang Diyos ng kapayapaan, si Hesus ang prinsipe ng kapayapaan at ipagdasal po natin ang mga drivers (Public Utility Vehicle Drivers) na naway sila’y makaahon sa krisis na ito,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Pascual
Paanyaya rin ng Pari sa mga mananampalataya na ipagdasal ang ikabubuti ng mga Public Utility Vehicle Drivers (PUV Drivers) na lubhang apektado ng hindi mapigilang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Tiniyak naman ni Fr.Pascual na tutulungan ng simbahan lalu na ng Caritas Manila ang pamahalaan upang maibsa ang krisis pang-ekonomiya.
“Ang simbahan po ay gagawa ng paraan upang makatulong-maibsan lalung-lalu na ang Caritas Manila, ang kalagayan ng mga Drivers, at nawa itong krisis na ito ng digmaan ay panandalian lamang at kapag natapos na sana’y bumaba din at ma-normalize ang presyo ng krudo at gasolina,” pahayag ni Fr.Pascual sa Radio
Unang nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pamahalaan na ipawalang bisa ang Oil Deregulation Law upang manumbalik ang kontrol ng pamahalaan sa pagpapatupad ng presyo ng mga produktong petrolyo.