Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dugo sa mga kamay ni Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

 282 total views

Mga Kapanalig, ilang linggo bago siya bumaba sa puwesto, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya kinukundena ang itinuturing niyang kaibigan na si Vladimir Putin, ang presidente ng Russia. Mahigit tatlong buwan na ring nagpapatuloy ang pananakop ng Russia sa bansang Ukraine, at mahigit apat na libong sibilyan na ang namamatay at milyun-milyon ang napilitang lumisan. Ikinalulungkot daw ng ating presidente ang pagkamatay ng mga inosenteng mamamayan ng Ukraine, ngunit hindi naman din niya kukundinahin si President Putin.

Gayunman, itinanggi niyang katulad siya ni Putin na naglulunsad ng giyerang ikinamatay ng mga inosente. Siya mismo ang nagsabing “pumapatay talaga” siya “noon pa.” Pero ang pinapatay daw niya ay ang mga kriminal, hindi mga bata o matatanda. Nakapangingilabot at nakapanlulumong isiping kaya ni Pangulong Duterte na ipagmalaking nakapatay na siya at para bang walang mali rito. Katwiran niya, mga kriminal naman daw ang pinatay niya. Sabat naman ng kanyang mga masugid na tagasuporta, tama lang ito, lalo na kung mga salot sa lipunan, katulad ng mga lulong sa droga, ang dinidispatsa.

Isa sa mga itinuturing ng administrasyon na tagumpay nito sa anim na taóng termino ni Pangulong Duterte ay ang “war on drugs” at mananatili itong legacy, ‘ika nga, ng sikat na mayor mula sa Davao. Mas tumahimik na raw ang mga komunidad. Nabawasan na raw ang mga adik na gumagawa ng krimen. Dumami ang mga barangay na sinasabing drug-free. Ganito rin ba ang inyong paniniwala?

Para kay Pangulong Duterte at sa mga umiidolo sa kanya, ang buhay ng mahigit anim na libong “drug personalities” na napatay sa mga operasyon ng pulis ay maliit na sakripisyo para sa kapayapaan at kaligtasang tinatamasa raw natin ngayon. Ang mga napatay ng mga vigilante, na sinasabing mas marami kaysa sa mga namatay sa kamay ng awtoridad, ay hindi raw dapat isinisisi sa gobyerno. Ang mga menor de edad na napatay, target man sila o nadamay lamang, ay mga collateral damage o pinsalang hindi maiiwasan sa isang giyerang magsasalba raw sa kinabukasan ng ating kabataan. Nakakaawa man daw ang mga naulilang asawa, anak, at magulang ng mga biktima ng pulis o vigilante, pero ito raw ang kapalarang hindi nila maiiwasan.

Sa 1 Pedro 4:10, pinaaalalahanan ang “mabubuting katiwala” na gamitin ang iba’t ibang kaloob sa kanila ng Diyos sa kapakinabangan ng lahat. Ang mga pinuno ng bayang inihahalal ng mga mamamayan ay nabigyan ng natatanging pagkakataong maging katiwala at maglingkod sa lahat. Sa sandaling maupo na sila sa puwesto, dapat nilang gamitin ang kanilang kakayahan upang maging mabuting tagapangasiwa ng gobyerno. Ngunit kung ang pamamahala nila ay nakabatay sa kung ano lamang ang gusto nila, tiyak na may mga maiiwanan, maaabuso, at maaapakan. Kung wala silang problema sa pagpatay sa mga tao at sa pagbalewala sa tamang proseso ng batas, masasabi ba nating nakakasama ang lahat sa bunga ng sinasabi nilang kapayapaan at kaayusan? Gaya pa ipinahihiwatig ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, kung lantaran ang pangungutya sa pagtataguyod ng kung ano ang mabuti at tama at kung walang pagpapahalaga sa buhay ang isang lipunan, ang maipapasa sa mga susunod na henerasyon ay karahasan, kawalang-pakialam, at makasariling pamumuhay.

Mga Kapanalig, aalis si Pangulong Duterte na may dugo sa kanyang mga kamay. Sa kabila nito, maaaring mas marami ang papalakpakan ang pamana niyang “war on drugs” at magbibingi-bingihan sa pagtangis ng mga naulila ng mga isinakripisyo sa ngalan ng anila’y kapayapaan at kaayusan. Naniniwala tayong darating ang panahong huhusgahan ng kasaysayan ang administrasyong Duterte, hindi sa kung paano nito kinalinga ang mahihirap at mahihina kundi sa kung paano nito pinalaganap ang kultura ng pagpatay.

Suminyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 25,134 total views

 25,134 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 39,790 total views

 39,790 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 49,905 total views

 49,905 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 59,482 total views

 59,482 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 79,471 total views

 79,471 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 25,135 total views

 25,135 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,657 total views

 2,657 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 39,791 total views

 39,791 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 49,906 total views

 49,906 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 59,483 total views

 59,483 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 79,472 total views

 79,472 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,216 total views

 48,216 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,241 total views

 43,241 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,810 total views

 46,810 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,265 total views

 59,265 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,332 total views

 70,332 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,651 total views

 76,651 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,262 total views

 81,262 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,822 total views

 82,822 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,383 total views

 48,383 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top