Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cardinal Advincula, nagpaabot ng pakikiisa sa pamilya ng Pentecost Sunday massacre sa Nigeria

SHARE THE TRUTH

 399 total views

Nakiisa at nakikiramay ang Archdiocese of Manila sa pamilya ng mga biktima ng Pentecost Sunday massacre sa Nigeria noong June 5.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ay kinundena nito ang karahasang naganap sa St. Francis Xavier Church kung saan nasa 50 katao ang nasawi kabilang na ang kabataan.

“Kaisa ng buong Archdiocese of Manila, ipinapaabot ko ang ating pakikiramay sa mga pamilya ng mga pumanaw dahil sa kahindik-hindik na pag-atake sa Saint Francis Church sa Owo, Nigeria noong Linggo ng Pentekostes, ika-5 ng Hunyo. Nakikiisa ako sa lungkot at dalamhati na nadarama ng kanilang sambayanan. Ipagkatiwala natin sa awa at pag-ibig ng Diyos ang mga yumao nating kapatid,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Ayon sa ulat, pinagbabaril ng mga suspek ang mga dumalo sa Pentecost Mass sa nasabing simbahan sa Owo, Ondo State Nigeria.

Ikinalungkot ni Cardinal Advincula na sa mismong araw na ginunita ng simbahan ang pagpanaog ng Espiritu Santo kung saan kaakibat nito ang grasya ng kapapayapaan, katarungan at pagkakaisa ay nangyari ang karahasan sa loob ng tahanan ng Panginoon.

“Sa araw na ginugunita natin ang pagsusugo ng Espiritu Santo, ang Espiritu ng kapayapaan, kahinahunan, pagkakaisa, at pag-ibig, nakakalungkot na pinamayani ang kakaibang espiritu, ang espiritu ng karahasan, kalupitan, at poot,” ani Cardinal Advincula.

Sa isang panayam ni Kaduna Archbishop Matthew Man-Oso sa Aid to the Church in Need, sinabi nitong bigo ang pamahalaan ng Nigeria na pamunuan ang bansa dahilan ng pamamayani ng rebeldeng Boko Haram na naghahasik ng iba’t ibang uri ng karahasan sa bansa.

Umaasa naman si Cardinal Advincula na sa tulong ng Espiritu Santo ay mabuksan at mapukaw ang puso ng bawat isa na gumawa ng mga hakbang para sa pagbubuklod ng pamayanan at iwasan ang anumang uri ng karahasan.

“Maunawaan nawa natin na kailangan ang pakikiisa ng bawat isa upang ang lahat ay mamuhay ng ligtas, panatag at payapa. At sa ating mga simpleng paraan, tayo nawa ay maging daan ng pagkakaisa at kapayapaan sa ating pamilya, lipunan, at sa buong mundo,” giit ni Cardinal Advincula.

Unang nagpaabot ng panalangin at pakikiisa ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mga biktima ng Pentecost massacre at umaasa sa kahinahunan at katatagan ng loob ng mga naiwang pamilya gayundin ang panawagan ng katarungan sa mga nasawi at nasugatan sa insidente.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 51,170 total views

 51,170 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 65,826 total views

 65,826 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 75,941 total views

 75,941 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 85,518 total views

 85,518 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 105,507 total views

 105,507 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Norman Dequia

Paghahari ng kababaang-loob sa pagitan ni PBBM at VP Duterte, dasal ni Cardinal Advincula

 174 total views

 174 total views Hiniling ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mamamayan na ipagdasal ang mga lider ng bansa sa gitna ng patuloy na bangayan ng kampo nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., at Vice President Sara Duterte. Sa panayam ng Radio Veritas kay Cardinal Advincula, sinabi ng arsobispo na ang nangyayaring political storm sa mga matataas

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Mga Obispo nakahandang mamagitan sa bangayan ng pangulong Marcos at VP Duterte

 672 total views

 672 total views Iginiit ng opisyal ng Stella Maris Philippines na mahalaga ang pagkakaisa at pagtutulunga ng mga lider ng bansa. Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos, CBCP Bishop Promoter ng grupo, ang nagpapatuloy na hidwaan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte ay lubhang nakakaapekto sa mga Pilipino kaya’t dapat na isantabi

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakaisa ng mananampalataya sa Diocese of San Pablo, panalangin ni Bishop Maralit

 3,487 total views

 3,487 total views Umaasa si San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr. na magbuklod ang pamayanan ng Laguna para sa pag-unlad ng pananampalataya. Ito ang pahayag ng obispo makaraang pormal na mailuklok bilang ikalimang pastol ng diyosesis nitong November 21 sa ritong pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa St. Paul the First Hermit Cathedral.

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Pagkakataon na makapag-aral sa EUROPA, inaalok ng EU

 7,095 total views

 7,095 total views Tiniyak ng European Union ang pagpapaigting sa mga programang makatutulong sa mga Pilipino tulad ng edukasyon. Umaasa si Dr. Ana Isabel Sánchez-Ruiz, Deputy Head of Delegation ng European Union Delegation to the Philippines na mas maraming Pilipino lalo na ang mga kabataan na makinabang sa Erasmus Mundus na isang programa ng EU. “The

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Cubao, ipagdiriwang ang World of the Poor kasama ang mga dukha

 8,194 total views

 8,194 total views Magsasagawa ng programa ang Urban Poor Ministry ng Diocese of Cubao sa pagdiriwang ng 8th World Day of the Poor sa November 17. Ayon kay Ministry Coordinator Fr. Roberto Reyes,magbuklod ang diyosesis kasama si Bishop-elect Elias Ayuban, Jr. upang ipgdiwang ang natatanging araw na inilaan ng simbahan para mga dukha ng lipunan. Ibinahagi

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Buong simbahan sa Pilipinas, hinimok na makiisa sa Red Wednesday Campaign

 8,234 total views

 8,234 total views Inaanyayahan ng Pontifical Foundation Aid to the Church in Need (ACN) Philippines ang mamamayan na makiisa sa paggunita sa mga kristiyanong inuusig dahil sa paninindigan sa pananampalataya. Hinimok ni ACN Philippines President, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga simbahan at buong pamayanan na makilahok sa taunang Red Wednesday campaign sa November 27

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Katesismo sa paglilipat ng araw ng Solemnity of the Immaculate Conception, ipinag-utos ng CBCP

 8,297 total views

 8,297 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ng dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria sa December 9. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Liturgy Chairperson, Ilagan Bishop David William Antonio, dapat mabigyan ng wastong katesismo ang mananampalataya sa paglilipat ng petsa ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalatayan hinihikayat na lumahok sa red wednesday campaign

 10,026 total views

 10,026 total views Hinimok ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga nasasakupan sa arkidiyosesis na makilahok sa taunang Red Wednesday campaign. Ayon sa arsobispo mahalagang magbuklod ang kristiyanong pamayanan sa pagpaparangal at pananalangin sa kaligtasan sa mga kristiyanong biktima ng karahasan dahil sa pananampalataya. “Through this commemoration, we are called to deepen our compassion for those

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato

 10,537 total views

 10,537 total views Nilinaw ng Archdiocese of Manila na hindi ito mag-iendorso ng sinumang pulitiko sa nalalapit na halalan. Ayon kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula,bahagi ng pagpapastol bilang arsobispo ang paggawad ng espirituwal na paggabay sa mga taong naghahangad maglingkod sa bayan. “Ang pagtanggap ng Arsobispo ng Maynila sa mga bumibisitang kandidato sa kanyang tahanan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Church needs more vocation to the Priesthood

 10,586 total views

 10,586 total views Inaanyayahan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya na maging aktibong kabahagi ng simbahan sa paghimok sa kabataang piliin ang bokasyon ng pagpapari at buhay relihiyoso. Ito ang mensahe ng obispo sa paggunita ng simbaha sa National Vocation Awareness Month ngayong Nobyembre kung saan binigyang diin ang malaking tungkulin ng kristiyanong pamayanan sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, binalaan ni Bishop Pabillo sa fake online product endorsement

 10,587 total views

 10,587 total views Pinag-iingat ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan ang mananampalataya hinggil sa mga fake online product endorsements ni Bishop Broderick Pabillo. Batay sa napapanuod online lalo na sa social media platform Facebook may artificial intelligence (AI) generated video si Bishop Pabillo na nag-endorso ng herbal products. “Bishop Broderick Pabillo did not endorse any products

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Bishop-designate ng Diocese of Prosperidad, umaapela ng pagkakaisa

 10,615 total views

 10,615 total views Umapela ng pagtutulungan si Prosperidad Bishop-designate Ruben Labajo sa mananampalataya ng Agusan Del Sur kasabay ng paghahanda sa pormal na pagluklok ng bagong obispo at pagtalaga ng diyosesis. Ipinaalala ng obispo na mahalaga ang pagkakaisa upang matagumpay na maisagawa ang pagtatakda ng ika -87 diyosesis sa bansa. “Now that we are still preparing

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Jubilee year 2025, gamitin sa pagpapanibago ng buhay

 11,599 total views

 11,599 total views Hinimok ng Office for the Promotion of New Evangelization ang mananampalataya na gamiting pagkakataon ng pagpanibago ang 2025 Jubilee Year of Hope. Ayon kay Sta. Maria Goretti Parish Priest, OPNE Director Fr. Jason Laguerta, ang pagdiriwang ng hubileyo ay tanda ng pagpapalaya, pagbabayad ng utang at pagpapahinga kung saan sa pananampalataya ay pagpapadama

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Filipino Priest, itinalagang opisyal ng Vatican

 12,896 total views

 12,896 total views Muling nagtalaga ang Kanyang Kabanalan Francisco ng isang Pilipinong pari sa isa sa mga pangunahing tanggapan sa Vatican. Nitong November 7 ay itinalaga ng santo papa si Msgr. Erwin Jose Balagapo bilang undersecretary ng Dicastery for Evangelization section “for the first evangelization and new particular churches na kanyang pinaglingkuran mula July 2023 at

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Recommit ourselves to the mission of Christ, paalala ni Bishop Uy sa mga pari

 12,927 total views

 12,927 total views Umaasa si Tagbilaran Bishop Alberto Uy na mas umigting ang pagbubuklod ng kristiyanong pamayanan sa Bohol tungo sa iisang misyon na ipalaganap si Hesus sa lipunan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng diyosesis ng ika – 83 anibersaryo ng pagkatatag. Dalangin ni Bishop uy ang patuloy na pag-usbong ng komunidad na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top