654 total views
Naniniwala si Cebu Archbishop Jose Palma na higit magtatagumpay ang bawat pamilya sa pamamagitan ng pagbubuklod sa pananalangin.
Ito ang mensahe ng arsobispo sa ginanap na press conference bilang paghahanda ng arkidiyosesis sa local celebration ng World Meeting of Families.
Naniniwala rin si Archbishop Palma sa malalaking hamong kinakaharap ng bawat pamilya sa mundo dahil sa iba’t ibang krisis sa lipunan.
“There are many challenges the family faces; there are many concerns and problems, but we would also like to announce to the world that there are also many consolations, and blessings when families try to live up to their vision and mission, to their identity,” bahagi ni Archbishop Palma.
Inaanyayahan ng Arkidiyosesis ang mananampalataya sa mga inihandang gawain sa pangunguna ng Commission on Family and Life ng Arkidiyosesis.
Ito ay kasabay ng mga gawain na isasagawa sa 10th World Meeting of Families sa Roma sa June 22- 26 kasama ang Kanyang Kabanalan Francisco sa temang “Family Love: A Vocation and a Path to Holiness”.
Sisimulan ng arkidiyosesis ang local celebration sa June 22 sa pamamagitan ng pagdaraos ng misa ng lahat ng mga parokya sa Cebu.
Pangungunahan naman ni Archbishop Palma ang pagdiriwang sa Cebu Metropolitan Cathedral ganap na ika-tatlotres ng hapon.
Naniniwala ang Arsobispo na magdulot ng higit na pagpapala sa mga pamilya ang pandaigdigang pagtitipon.
“I see the celebration of the World Meeting of Families as one such meaningful celebration where they experience the grace, the presence of God, the love of God, particularly where it’s supposed to start in the family,” ani ng Arsobispo.
Sa June 25 at 26 isasagawa rin ng arkidiyosesis ang Family Congress para sa 1, 500 indibidwal na may registration fee na 2, 500 piso para sa pagkain, souvenir kits at congress fee.
Ilang delegado mula sa Pilipinas ang dadalo sa pandaigdigang pagtitipon sa Roma sa pangunguna ni Parañaque Bishop Jesse Mercado ang pangulo ng CBCP Family and Life.
Ang World Meeting of Families ay ginanap tuwing ikatlong taon subalit naantala ito dahil sa pandemya habang 2003 naman ng ganapin sa Pilipinas ang ikaapat na pagtitipon na dinaluhan ng libu-libong mamamayan.